just remember mommy, na hindi lang sa expiration date tinitignan ang formula milk. for example: expiration nung formula milk ay january 2025, pero binuksan mo ito nung september 2024, at indicated sa instructions na do not consume 30 days after opening, that means hindi na dapat inumin yon ng mga bandang october 2024 kahit na january 2025 pa ang expiration. minsan nga 2 weeks lang ang consumation date depende sa brand. kaya basahin nyo po muna yung formula milk instruction bago ipainum kay baby. mas delicate kasi ang formula milk kumpara sa normal milk mommy, kasi mas mabilis syang tubuan or mabilis mamuhay ang mga molds/bacteria sa formula milk kaysa sa normal milk kaya mas magandang maging maingat.
Đọc thêm