Face rash/acne?
Mga mie anu po pwd ipahid o gamot sa rashes ni baby?3week old plng po cya
Ganito nangyari sa baby ko at 2 weeks old, natakot ako as a FTM kc malala sya, sabi ni pedia its normal naman daw sa mga new born, pero if gusto ko daw may nirecommend syang cream kaso hnd available kahit san na mercury at watson, pero sabi ni ob kusa naman daw sya nawawala, basta paliguan lang, kaya ayon po nawala nalang sya. Siguro po mga 8 days po nagsuffer si baby, una pa onti onti lang hanggang sa dumami. Yong soap po pala ni baby na gamit is mustela.
Đọc thêmganiyn din po sa baby ko ever since pinanganak ko siya, tinanong kopo lola ko and ang sabi kusa daw mawawala. as of now konti nalang po ang ganiyan ng LO ko.
ganyan din sa baby ko Mii wla man resita yon pedia nya mag Isang buwan nadin sya sa 16, sabe ni pedia paliguan lang araw2 mawawla din Yan
ganyan din baby ko 1month niya na breastmilk nilalagay ko sa gabi then umaga kasi maliligo na siya . ngyon po kumikinis na mukha niya
2 days old plang baby ko naglabasan na gnyang rashes tpos nwawala dn naman. ngaun 3 weeks nrn ung mga baby acne naman ngaun dumami
No Rash po yung cream po sya nabibili po sya sa mercury effective po sya. yun po kase gamet ko ngayon sa baby ko na 13days old po
pinapahid ko sa baby ko petroleum jelly yung pang baby, nawawala naman sya 1 month pa lang baby ko may mga ganyan din sya
just plain warm.water sa bulak 2x a daym dont put anything po unless adviced by your pedia. normal lang yan sa newborn
ipinapahid ko lang po ay breast milk pag nakakakita ako ng pailan ilan tapos kinabukasan wala na .
same po sa baby ko sa katawan pati pisngi meron naring rashes 2 weeks old palg tong bby ko🥺
baby ko rin po may ganyan 2weeks pa lang sya Sabi nila sa init raw po yan
Fulltime Mom ❤