Usapang pagbukod
Hello mga mi, any tips po sa pagbukod? Nakatira kami as of now sa in laws ko. Then planning na kami bumukod. We have a 3years old boy and I'm pregnant, due date ko po is Feb/March. Pano po kaya pwede naming gawin?? After ko manganak back to work na ko ulit (105 days lang leave) Si partner naman may work din. Pano po kaya mga bata kung sakaling bubukod na kaming pamilya? Ayaw naman ni partner na kukuha kami magbabantay kasi wala syang tiwala. Napag usapan naman namin na sa umaga sa in laws ko muna then sa gabi namin sila kukunin pagkatapos ng trabaho namin. Sa tingin nyo po? Any suggestions po?