Breastfeeding or formula?

Mga mi mali ba na hanggang ngayon breastfeeding padin si baby ko. Kaka 1year old nya lang ngayon araw. Nastress kasi ako na parang ako pa may kasalanan bakit pumayat ang baby ko. 2.8kg nung pinanganak ko si baby tumaba sya agad gawa ng breastfeeding tapos mula 10 months hanggang ngayon nawala pagiging mataba nya. Ako sinisisi nila kasi dapat daw nagformula nalang daw ako, 6months lang daw dapat ang breastfeeding. Kaya daw pumayat kasi wala na daw nutrients ang gatas ko at hindi na sapat sa baby ko. Kumakain din ng solid food si baby 3times a day. 1year old na sya now, 10.1kg ang weight nya. Happy baby naman sya, healthy at hindi sakitin. Sadyang pansinin lang pagpayat nya kasi talagang mataba sya nung 2months - 9months old. First time mom. 😞

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

2yrs 6mos ako nag bf di pero may mix formula pag aalis lang ako o pampatulog sa gabi ng bata para di mamuyat

1st baby q nga po 3 years breastfeed q...ang taba nia naun...grde 4 n cia...43kls cia...