Cheating husband

Mga mi. gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. 4 months post partum, FTM. at nalaman ko na nagcheat yung asawa ko. may friend ako na nakakita sa kanila sa bar. napicturan syang may kayakap na babae. sobrang sakit. pakiramdam ko durog na durog ako. hindi ko alam ang gagawin mga mi. sinasabi nya aayusin nya para sa anak namin. na mas okay lumaki anak ko na buo ang pamilya. pero ang hirap mga mi. wala na akong tiwala. akala ko sya yung masasandalan ko lalo na ngayong bagong panganak ako at hirap na hirap magadjust. di ko alam gagawin ko. pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko at hirap akong makahinga. #cheatinghusband

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Aayusin nya para sa anak nyo? Sana una pa lang di na sya nagloko. Iwan mo na yan mi. Walang respeto yan sayo at sa anak nyo. Hindi kelangan ng buong pamilya kung yung ama naman e tarantado. Sorry pero ako pag ginawa ng asawa ko yan pasensyahan na lang talaga.

I feel you, Mi! Mag 5 months din nung nalaman ko na cheater pala siya not 1 but many. So, I chose my baby and my sanity and peace.

Wag mo pilitin sarili mo sis. Lumayo ka muna,magbakasyon kayo ng baby mo. Magpakatatag ka,mas kailangan ka ng baby mo.