16 months baby boy

Hi mga mi. Ftm here. Meron po ba Dito same case ng baby boy ko? 16months na po sya pero Wala pa po sya nababanggit na words. Nakakapagsabi po sya ng dadada at mamama noon bago sya mag 1yr old pero di na ulit nya nababanggit. Puro babbling na lang po nasasabi nya Ngayon. Pag tinatawag din po name nya hindii sya tumitingin. Noon Naman po bago sya mag 1 yr old tumitingin sya Ngayon parang bihira na. Nung 6 mos sya kaya nya mag peekaboo tatakpan nya lampin muka nya at tatanggalin at before 1yr old kaya nya mag align. Pero di na nya nagagawa ulit. Regression po kaya yun? Pero nakikipaglaro Naman po sya sa Amin nakikipag habulan sya. may eye contact sya kaya na nya mag clap at mag bless. Medyo hirap lang po nya maglaro ng toys Kasi lagi nya sinusubo. Yung mga gulong po ng toy cars nya pinapaikot nya. Di nya pinapaandar ng as a toy car. Nagsimula na din po sya maglakad Minsan ng naka tip toes. Super active nya. Worried at medyo praning lang po Ako Kasi may Kapatid Akong may autism at Yung pamangkin ko medyo nakikitaan din ng signs. Wala Naman po problem sa hearing nya. Advance nga po Ang motor skills nya. 9 mos humahakbang na sya. Yung language at cognitive lang po siguro Yung medyo di sya nakkaasabay.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Uy, I totally understand your worry, lalo na may family history kayo ng autism, napakagaling mo na nag-observe ng ganito in detail! Honestly, ang regression in speech at the loss of those skills like peekaboo ay something worth checking with your pediatrician or a speech therapist soon, kasi 16 months na sya at ang language delay combined with the regression is worth professional eyes on, hindi lang mama worry. The good news is he's hitting milestones in other ways, his motor skills are actually ahead, he has eye contact, he's engaging with you guys, at he responds to games, so there's lots of strengths there din! A few of my mum friends nag-consult din ng OT or speech therapist at nung na-assess lang nila properly, nakita nila kung ano talaga ang happening, whether it's just speech delay or something else na kailangan ng specific support. Don't panic, but do schedule that check-up lang para makamit sya ng early intervention programs kung kailangan, the earlier, the better talaga for any developmental concerns.

Đọc thêm