Possible pregnant again?
Mga mi, ftm ako na cs tas nag do na kami ni hubby ko 5weeks palang ata yun after manganak. May spotting parin ako nun tas pinapasok namin. Naka dalawang ganun kami na pinasok pero may spotting pa ako then the following days biglang lumakas spotting ko na naging regla sya kasi puno pliner ko lagi ket wala pang 2hours nagpapalit na agad ako kasi nga puno na. Pag humihina or nawawala na, nag gaganun na naman kami tas may lumalabas na naman na dugo or lumalakas spotting ko. March mom ako tas tumigil regla ko sa panganganak May 1 na. Active kami talaga ket cs ako (nag iingat kami) for the following months til now pero withdrawal na. Ngayon mga mi, ang concern ko talaga eh til now di pa ako ni reregla. Bf mom ako. Pure bf baby boy ko. Possible ba buntis ako? Kasi april pa naman yung unang do namin na pinasok. Nag pt ako nung May tas ngayong buwan din puro negative. Kaya ako nagdududa na possible buntis ako kasi nahihilo ako lagi tas masakit ulo ko lagi din akong pagod ket pag aalaga sa bata at padede lang ginagawa ko(wala akong gawaing bahay kasi asawa at byanan ko gumagawa) di rin ako puyat at stress tbh. Ano kaya thoughts niyo mga mi?
Mother of 1