Nahihirapan huminga
Mga mi, ask ko lng of nahihirapan din ba kayo huminga ng nakahiga o upo? And after kumain? Normal lng po ba ito?? Thankyou
yes po ganyan din po ako nahihirapan huninga lalo pagkatapos kumain. nag ask ako sa doctor about po dyan, sabi po lumalaki na kasi si baby at nahaharang harangan na nya ung hinihinga natin tapos pag kumain pa tayo mahirap na matunawan lalo pag gabi. kaya nahihirapan po tayo lalo huminga. Mas mahirap daw po talaga sa gabi kasi sinasabayan ng kabag.
Đọc thêmYes mmy may time po na hirap ako huminga pag nakahiga, nag eelevate ako ng ulo pag ganyan. Pag nakaupo rin nag sstraight body ako pag nahihirapan hehe. Light frequent meal lang po sa pagkain mommy tsaka wag po magmadaling kumain
pag nasobrahan sa kain mamsh ang hirap huminga 😅inhale exhale talaga malala haha
Yes po. ako ganyan papaparami ung kain ko nablobloated at ang hirap huminga!
ganito ako, hirap huminga kahit anong posisyon ng higa or upo gawin ko
same din sakin 26 weeks preggy ako. madalas hapong hapo haha