Delayed regla
Hi mga mi, ask ko lang kung sino may same exp sa'kin. First regla ko after birth last month, pero nung last Dec. 25 dinugo ako ng madaling araw pero nung kinaumagahan wala na. So yun, first regla ko last month nung 14 nagstart. Pero now delayed ako mga mi 🥲 forda overthink na ang mi n'yo kasi 1week na akong delayed. Nagdo kami ni mister pero pull out, may 2 times na sa loob nya pinutok pero sinure kong safe days ko yon base sa calendar method na gamit ko. Kaso still delayed pa rin ako, walang spotting pero masakit lang ang puson ko for the past week na delayed ako. Na para bang any moment rereglahin na ako pero wala pa rin. Ano kaya pwedeng gawin na hindi makakaaffect sa baby ko? Sana mapansin n'yo mga mi huhu