January 15 Edd nanganak Dec16

Hello mga mi 35weeks and 6 days pinanganak ko ang baby ko , normal blood pressure ako lage , Dec.15 ay check up ko nag130/80 ako nagalala ang doctor ko Kaya pinamonitor saken , nung gabi nagpa bp ako ay umabot ng 150/100 Kaya ako ay nagpa dala na sa emergency room , pag ka check ay naging 160/110 dumating ang aking doctor , at ako ay inadmit need na daw ako ics , Pero nagbago isip nya icontrol muna daw ung bp so uminom muna ko gamot amplodine at demopa Hanggang sa next day bumaba ang bp ko ng 130/80 nag110/90 papauwiin na sana ako , Pero nag Non Stress Test muna kay Baby , nagulat sya Bakit daw ang Heartbeat is umabot ng 200 plus masyado daw malakas Ngayon chineck nya ultrasound ok naman , ngayon Nag I.E. sya saken 2cm na pala ako Nagllabor na pala ko Hnd na ako pinalabas mga mi need ko na daw i emergency CS , at Un lumabas na nga ang baby ko 2.8kg sya at Hnd naman sya na ICU thanks God , Praise God napakabuti ng Dyos , Napakamakapangyarihan ni Hesus, ang hirap ng CS mga mi 4 days ako nakahiga hirap na hirap Pero nung dinala ung baby ko from ICU bigla nalang ako naging Wonder Woman parang nawala ung sakit mga mi , tunay nga na sulit lahat ng hirap pag nakita mo na Wlang tigil ang saya at Galak sa aking puso sa aming mag asawa … pre eclampsia nangyare sa akin mga mi at Hanggang ngayon cinocontrol ko padin ung highblood ko meron ba dto nakaexperience same sa akin mga mi pre eclampsia? Salamat sa mga sa Sagot sana kayo din Team January makaraos na , team January sana ako eh naging Team December Godbless sa inyo lahat … ngayon palang pinagdarasal ko na safe and sound ang deliveries nyo in Jesus Name . Amen 🙏

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same tayo na edd. and tumaas din Po bp ko pero pinagtake Po Ako ng methyldopa ng o b ko to control Yung BP. till now di pa din Po Ako nanganganak, currently 36 weeks and 4 days. na fall Yung Sakin sa gestational hypertension. anyway congratulations Po 👶🙂

12mo trước

Nagttake din ako nyan Pero Hnd masyado ubra saken , mas effective saken ung amplodipine but thanks God ngayon medyo nagging ok na ung blood pressure ko

same edd mi. panay tigas na ng tiyan at pananakit ng balakang ngayon. 37 weeks and 1day. gusto kona makaros 😅 2nd baby

Nasa 37weeks na din ako ngayon, EDD ko is January 10. Pero pasakit sakit na pus-on ko.

congrats po mmi God is Good ol d time🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Influencer của TAP

Ano pong nararamdaman pag nag lalabor?

12mo trước

Masakit na balakang, at parang nadudumi

bakit po tumaas BP nyo?

12mo trước

Wlang reason sis , bigla nlng , all through out ng pregnancy ko 110/80 or 120/90 nung the day na naglalabor ako 160/110 170/110 tapos hanggangang nanganak ako naglalaro ako sa 160/110 130/80 post partum