Pag gaLaw ni baby
mga mhie curios lang po ... 18 weeks na po ako tom. pero wala pa rin po akong nararamdaman na pitik² o bubbles po sa tiyan sabi kasi may nararamdaman na daw po ...ilan weeks po ba tlaga mararamdaman si baby sa tiyan ? ftm po ako pero last check up ko okii nman po si baby
Im 18 weeks, still not sure if si baby yung nararamdaman kong pitik. nasasabayan kasi ng kumukulo ang tiyan dahil sa kabag.. minsan may para pitik sa left or right na puson pero di pa rin ako sure. since di ko pa alam kung anong feeling nung "bubbles".. kapag may kabag kasi ako, mas maraming bubbles 😅😅🤣🤣🤣
Đọc thêmDepende po mommy, kung first time mom ka maybe sa 20weeks onwards mo pa po ma feel. ako po na feel ko ang pa pitik pitik nya 17weeks but pang 4th baby ko na kasi ito ngayon 20weeks na medyo malikot na lalo pg busog pero hndi gnu kalakas little kicks plng dn😊
Ako din po 17 weeks na pero di pa din ramdam si baby, medyo may kunting pitik pero di ko alam kung yun na ba yun, sa first baby ko kasi 4 months ramdam ko na siya, sabi naman nung iba maaga daw maramdaman pag 2nd baby na.
17weeks pregnant po ako sa aking first baby.. nakakatuwa po kasi ramdam ko po yung parang bubbles at pitik pitik ni baby🥰 pero meron daw po talaga na case na mga 20weeks pa mismo maramdaman ang pagkilos ni baby..
17 weeks ako nung naramdaman ko yong nag parang balod or wave sa tyan ko pero yong pitik di ko ma feel. ngayon 20 weeks na ako nararamdaman ko na yong galaw talaga ni baby
Hi mi saktong 18week po na feel ko na po yung pitik at bubbles ng baby ko po magugulat ka nalang po nakakatuwa sa pakiramdam po 😊
Ako ramdam kona rin ung pagpitik at parang bubbles haha nakakatuwa langg, minsan parang lilipat sya sakabila. 18weeks preggy here
same tayo sis Dipa ramdam si baby , ftm din po ako ! dami ko nababasa ganun daw talaga Pag ftm mga 20weeks pa daw nararamdam
thankyou sa pag sgot☺️kakaexcite po kasi☺️
Ako mi 18 weeks ramdam ko na ung bubbles sa puson ko. kakatuwa lang ksi kakaiba feeling at alam ko si baby un 🥰
pag ftm po mga 20 weeks pa sya magstart. di tulad namin mga 3rd time mom ay 17 to 18 weeks nagstart na sya☺️
kakaexcite nman po hehehe
Household goddess of 1 energetic boy