Kailan po natutong humawak ng laruan LO nyo?

Hello mga mamshies! Kailan po natutong humawak ng laruan LO nyo? Yung baby ko po kasi turning 4 months na next week pero hindi pa po sya marunong humawak ng laruan, like yung igagrab or aabutin nya. Hindi pa din po sya marunong dumapa. Nagwoworry lang po ako. 😭 Ilang months po natuto mga lo nyo?

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

iba iba ang pacing ng kada baby mamsh, yung baby ko going 4months, nakakaside na pero need pa rin ng assistance namin kung dadapa, kaya naman na nya maggrab basta malapit sa kanya. lagi lang namin pinalilibutan ng soft toys s paligid nya lalo na pag dinadapa namin. yung pamangkin ko naman, 5months na dumapa at nagstart maggrab ng mga bagay bagay sa paligid nya. see? magkaiba. di kasi pare pareho ang mga babies.. tulungan mo ang baby mo by playing sa kanya lagi. be patient lang , wag magmadali, wag mapressure sa ibang bata. ok lang naman na 4months di pa agad nadapa,.anak nga ni jessy 5months dumapa on her own. practice lang ng oractice kay baby kasi may muscke memory yan. pag laging ginagawa na pinapadapa mo, pipapahawakan mo ng mga bagay, kukusa yan.

Đọc thêm
1y trước

Ano po yun mi, yung pamangkin mo kahit nung 4 months sya hindi pa nakakagrab ng kahit ano? Kahit yung iabot mo sakanya or itapat sakanya?

Tama si mommy na nagreply, iba iba ung pacing nang development ni baby.. same tayo mi, turning 4 na si baby, pero di parin sya nakakadapa mag isa or tumagilid. Pero guilty ako kase di ko sya napapatummy time madalas.. when it comes to grabbing naman, ayun nakakagrab na sya nang mga bagay bagay, soft toys, blanket, buhok ko aha or minsan damit.. kaya keri lang yan, wag ka magworry, dadating din si baby dyan, basta help and guide lang naten. 🙂

Đọc thêm

Si lo ko po 3 months and half nung dumapa mag isa. One day po tumatagalid na sya habang nakahiga then kinabukas dumapa na po sya mag isa until now kapag nakahiga sya ng gising dadapa agad pero naiipit nya pa yung isa nyang kamay at braso 😅 sa grabbing things naman po, hindi pa din sya nagggrab ng mga bagay, nanggigigil lang sya pag may nakita sya na gusto nyang hawakan 😂

Đọc thêm
1y trước

Ilang months na po si lo mo ngayon mamsh?

baby ko kaka 3 months lang mejo nakakahawak na sa teether, nakakahila ndin sa damit at eyeglasses ko. sinabihan ako noon ng pedia na wag na imittens pag 2 months para mapractice yung grip nya.

yung baby ko nahahawakan n nya yung damit ko or else punda ng unan ng mahigpit kc mag onemonths mahigit pa lng wala n sya miittens kc mas madedevelop daw yung mga kamay...

marunong n dumapa baby ko bago sya mag 3 months 2 months p nga lng tagilid na matulog...na tatayo n nya mga binti for a second..

dpat before 2 months dinadapa mo na. ganun ginawa ko. ngayon kayang kaya nya na nagtatagilid ndin sya. 3 months ngayon baby ko

ako nga po ngayon palang dumapa baby ko 4 months and a half na po siya. chubby din po kasi siya kaya nahirapan hehe.

3 months