Yeast infection 😭
Mga mamshie pahelp naman po dyan may yeast infection po ako and sobrang kati po talaga. Di ko na kaya itake. Naiiyak na ko... Sinabi ko din sa OB ko na may yeast infection ako at yan lang nireseta sakin... Di ko lang alam kung yung buscopan ba yung gamot sa yeast infection ko. Di kasi maaalaga ob ko eh... Laging nagmamadali kapag nag papacheck up ako 😭 Help me po please
nagkaganyan din po ko. pero di ko na pinagamot. inalagaan ko lang ng gyne pro tas hugas lagi pagkatapos umihi tas laging palit ng panty at inom ng yakult. tapos yon nawala na
Ako once kumati pempem ko naghuhugas aq agad ng tubig na may apple cider vinegar. 1 tbsp ACV sa isang tabong tubig. Ayun after hndi na nagtutuloy ung pangangati 😍
Gynepro femwash po. Tas lagi po palit ng undies panatilihing dry po yung private part.. Iwasan din po magdowny sis . Isa din kasi yun sa nagcacause ng kati..
Ginawa ko po noon, nag sitz bath at tapos recommend ng ob yung femwash na gynepro. Magpalit din po ng undies more often at panatilihing tuyo ang private part.
chineck nya po ba discharge mo? normally pinapalab yun to check yung severity ng infection. sis kung may ibang ob kang kilala pa 2nd opinion ka po please.
nako magpalit ka po ng OB. pwedeng maka apekto kay baby ang yeast infection. wag mo bibilihin yang buscopan, pamparelax yan. baka mapano pa si baby
Pagalitan mo yan Ob mo hayss bat nagmamadali .Siguro di naman magbibigay si Ob ng di angkop sayo sundin mo na lang yung reseta sayo mamshie.
ung buscopan is parang pampahilab ng tyan kapg buntis then ang everose 1000 o evening primrose is para sa pag labor....malapit knb manganak???
walang pang yeast infection jan mommy, magpalit ka na ng OB mo. and okay ang gynepro dor feminine wash, pero magpacheckup ka padin.
mommy may yeast infection din ako at eto ang nireseta Ng ob ko. mamayang Gabi ko palang sisimulan. Sana maka tulong.
God bless 😊