mga mhie may chika ako.

hello mga mamshie may gusto lng sana akong ikwento sa inyo sana makapag bigay din kayo ng advice kung meron akong katulad na mga mami na nagkaroon ng financial problem. So eto na nga, Last November na delay ako may kutob na ko ng buntis ako kasi regular ako mag mens nag pt ako ng November 27 1try lng muna tas ayun nga positive tas nagtry ulit ako ng 2beses positive talaga siya. so 3 pt na positive nga. pang 2nd baby ko nato at hindi din ito planado kaya nagkaroon ako ng anxiety na stress din ako kasi hindi pa ako handa. 3y/o naman na yung panganay ko. nag aalala nga din ako kasi kapos pa nga kami hindi pa kami makabawi lalot dumaan tayong lahat sa pandemic so nasa stage pa talaga kami na kapos pa. sabi naman ng asawa ko masaya naman siya kasi magiging dalawa na anak namin at kakayanin niya. siya lng kasi nag wowork simula kasi nung nanganak ako sa panganay ko hindi na ko nakapagwork wala din kasi mag aalaga medjo matanda nadin kasi yung biyenan ko. yung mama ko naman nag wowork din kasi may mga kapatid pa ko na nag aaral. december 10 nag pa check up ako 8 weeks na nga si baby masaya ako nun pero may halong alinlangan kasi baka hindi namin kayanin pero malakas ang loob ng asawa ko soya lagi nag papalakas ng loob ko positive siya lagi kung mag isip kaya nahawa na din ako. sunod na balik sana namin sa ob is january 21 at need ng laboratory 1k plus yun at walang wala talaga kami. so hindi ako nakapagpacheck up hanggang ngayon 2months nako hindi nag papa check up at kahit anong gamot o vitamins wala akong tinetake. nag aalala ako na baka hindi nabubuo c baby umaasa nalang ako sa mga pagkain na kinakain ko. sa tingin niyo mga mamshie malaking epekto kay baby yung nangyayari samin? talagang hirap kami. kung meron man mga mamshie na katulad ako. ano yung naging epekto kay baby nung naka pag pacheck up kayo ulit? thank you po sa sasagot.

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời