Not Guarantee! Pero baka Sayo effective!
Hello mga mamsh 👋 Just wanna share this. Hindi ko din kasi alam kung coincidence to. Pero 2 years kaminh ttc ni Husband at talagang hindi ako mabuntis. My eldest is 15years old and my youngest is 9 years old. Trying to conceive kami sa 3rd baby. Ang dami ko na sinubukan na gamot even clomid and hindi talaga umepek. Hanggang sa nag stop nalang ako mag pa Ob. Yung sobrang frustration ko kaantay sa isang red line sa pT tinigal ko. Bagkus nag Enjoy ako, at sinabi ko na baka inihahanda pa ni Lord ang katawan ko sa pag bubuntis. Hindi ko iniisip na kaya kami nag sesex ni Husband ay dahil sa baby. Gusto namin ng baby. nakakita ako ng page sa isang online hospital. Nag ask ako doon. Sabi nila probiotic, fish oil and folic acid. Tapos ni lessen ko yung pagkain ko sa labas 🙂 Bawas milktea, Bawas sa kain sa labas at Bawas ang kain ng karne. Nag gulay, isda, gulay, isda ako for 1 month. May Friend ako na nag advice din na "ne, bawasan mo yung kain sa labas milktea basta ma sugar" so sinunod ko tapos minsan nalang kami mag do ni Husband. Ito nga pala ginamit ko Nag folic acid ako na folart sa watsons nabibili. Hindi ako endorser nitong mga products na to, hindi ko din alam kung coincidence to kaya nabuntis ako. Pero baka sayo pwede din. less lamon ng kanin nga din pala ako 🙂. Tapos nag wait ako ng delayed na period ko. Then na confirmed ko pregnancy ko sa 3rd baby ko ng July 31. Iba ibang pt gamit ko 😊