Bagong panganak
Hello mga mamsh tanong ko lang po sana especially sa mga nanganak via normal delivery na nahiwaan/gunting? kung anong ginawa niyo para maka tae? nakakatakot kasi umire baka lalong bumuka yung natahi. SALAMAT PO SA SASAGOT AT SANA MAY SUMAGOT BADLY NEEDED para alam ko po gagawin ko
Ako may tahi. Pero pag natatae ako di ako umiiri. Hinahayaan ko lang. Pero para di mahirap tumae, inom ka lagi ng tubig para malambot.. Wala ng binigay doctor ko na gamot para sa pag dumi.
birch tree na gatas ang ininom ko ng ininom para malambot ang pagdumi qh yun kasi ang effective sakin .. wag mo pati iire ang pagdumi mo kusa xang lalabas 😁😁😁
Relax lang pag dudumi ka wag mong pag pantayin ang paa move forward ang isa ang isa naman backward tapos hilotin mo ung back part mo lalapit sa may pwetan mo ...
May bnigay po si OB sa akin na gamot pampalambot ng poops syrup sya Lilac ang name, lumambot naman pero masakit pa rn sa tahi pero atleast nkatulong naman.
wag ka umire, hayaan mo lang lumabas, kain ka din papaya and pineapple para d tumigas ang poopoo, bagong panganak din ako, yan din pinoproblema ko 😅😅
Dpat may pinrescribe yung ob mo pampalambot ng poop, hindi padin kasi advisable umiri. Struggle ko yan days after ko manganak, umiyak pako sa sakit 😅
Problem ko din yan mommy. Di ko na makontrol poops at ihi ko. Buti na lang malabot poops ko. Di na ako naire. 13 days na kami ni baby now.
may binibigay ang doc na parang laxative to help you poop easily while your tahi is still fresh... I remember yung nireseta sa akin was Lilac.
Mag sabaw ka ng mag sabaw para nadin sa breastfeed mo sis. More water at iwas sa karne muna as well as fruits na nakakatigas ng dumi.
Soft diet. Papaya. More water. Nguyain maigi mga kinakain lalo na po yung mga meat. Yan po bilin sakin sa hospital😁