Padede/working momma!

Hello mga mamsh! Sana may makasagot. Magbaback to work na kasi ako and ebf momma here. Pwede ko ba gawin na ilipat yung nasa ref. na nasa BM bag sa bottle milk then ibabalik lang din agad sa ref.? Coconsume ni baby po yun within the day. Gusto ko kasi bago ako pumasok nakaprepare na yung dedein ni baby for the day. And, pwede ko ba ipaghalo yung hindi same date na napump? Balak ko kasi ihalo yung mga lumang na pump sa bago kasi ayaw ni baby nung lasa nung mga lumang napump ko. Ps tinikman ko po yung lumang pump na milk(frozen) and lasang sabon nga po sya, same sa mga nababasa ko na ganun nga daw po yung lasa.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

normal na lasang sabon dahil sa high lipase ng bmilk. pwede mong ihalo ang luma sa bago BASTA SAME TEMPERATURE. wag paghaluin ang malamig at warm na freshly pumped. sa una ganyana ng baby ko yung bago ako magbalik duty 3weeks ago. ayaw nya yung lasa ng frozen, but eventually nakasanayan nya. ginagawa ko sa umaga bago ako pumasok, magpupump ako ilalagay ko sa bote nya then sa ref. tapos bago ako lumabas ng bahay, ibababa ko na yung bmilk bag na magagamit nya maghapon (12hrs duty ko so mga nasa 5-6 bags) from freezer to ref para mathaw. ang thawed milk sa ref na di pa naopen, tumatagal ng 12-24hrs naman. saka lang isasalin sa bottle kung nawarm na (warm water gamit namin). so far, ok naman ang ganung set up namin.

Đọc thêm
1y trước

Big thanks mamsh! ❤️ Same temp. naman mamsh, ihahalo ko lang dun sa bago para di ganun kalasa..