Small tummy, first baby, 5 mons.
Hello mga mamsh, medyo bothered lang ako kasi 21 weeks na ako and maliit talaga tummy ko. Super halata pag busog ako. But pag normal hrs. Sakto lang laki niya. Sabi ng iba, ang liit ko daw magbuntis. Medyo naiinis ako kasi sakto naman size ni baby sa weeks niya. Will attach some pic for reference. Will appreciate din if may same situation sakin. Dress pic is tuwing nakatayo and an hr after eating. The other pic is when I'm lying down.

Nung 1st pregnancy ko payat ako nun, kaya ang liit ko mag buntis. Nasa 7 months na ko nun nung medyo nagka bump. Ngayon 2nd pregnancy ko medyo mataba na ko pero maliit pa din ako mag buntis. Kaya now I know wala pala yon kung mataba ka or mapayat basta as long as healthy si baby at sakto ang fetal weight nya kung ilan weeks kna then nothing to worry sa laki ng baby bump mo. 🙂
Đọc thêmSame tyo mi 21 weeks and first baby ko. Pero baliktad naman tayo kasi malaki ako mag buntis, ang dami nagsasabi sakin na bat parang ang laki daw sa 5mos palang. Kaya mnsn nakaka bothered pa din pero naka kampante ako basta okay lahat ng lab results and sa ultrasound is okay naman. Basta may mga side comments sila minsan mapapaisip ka talaga hahaha.
Đọc thêmdepende sa built ng mommy. ang importante, nasa normal ang weight ni baby. wag nio na lang pansinin ang comment ng iba. nasanay sila na dapat malaki ang belly. kapag baby naman, dapat daw ay mataba pero hindi naman dapat mataba as long as normal ang weight ni baby. same lang tau nung sa 1st pregnancy ko. nag-gygym ako dati.
Đọc thêmSame miii 21 weeks din payat ako mas maliit pa ng onti diyan tiyan ko pero as per my doctor sakto naman ang laki ni baby kaya panatag na ako don 😊 tsaka first pregnancy ko din kasi and i think around 6 months talaga lalaki rin tiyan ko 😂 kaya don't worry too much as long as healthy si baby ❤️
As long as normal si baby sa loob, okay ang weight nia, no worries mommy. Mas okay palakihin si baby pag nasa labas na. Maliit din tiyan ko kahit 2nd baby ko na since maliit ako at petite. Napapaaway pa sa priority lane dahil di naman kalakihan tiyan ko 🤬😂 Take care lang lagi mi! 🤗
Same din po, naka maternity uniform na nga ako pero sinasabihan ako na hindi naman daw malaki tyan ko bakit pako nag susuot ng ganun. Like pake niyo diba e dun ako comfortable, mejo maraming say hindi ko nalang pinapansin mga pala desisyon hahaha
same lang po tayo ng laki ng tyan.medyo chubby pa nga po ako e.wala naman dw po yun sa laki o liit ang importante goods lang si baby sa size nya sa ultrasound natin..nkapag pagender napo ba kayo?nkita napo ba?
hello mii, yes po, boy po si baby ❤️
Ganyan din tyan ko mi ☺️ depende kase yan sa baby bump mataba ako pero maliit din tyan ko 😅
