7 weeks pregnant- laging nangangasim

Hi mga mamsh, 7 weeks pregnant na po ako pero sobra po paglilihi ko ngayon 3rd baby ko po (miscarriage po yung 1st then yung 2nd ko 4yrs old na ngayon) lagi nalang po kasi akong nangangasim then pag nakain naman po ako sinusuka ko din mas lumala na po today kasi hindi na po ako makakain kasi nasusuka ko lang din pati gamot ko hirap ko na inumin. Ang routine ko ksi since 4am work ko start palang ng work nangangasim na ko so iinom nalang po ako ng mainit na milo (hindi po kasi ako nainom ng gatas at maternal milk nasusuka po ako sa lasa) or minsan para mabawasan pagsusuka ko nagpapaluto ako ng lucky me noodles ayun po nakakain ko kaso minsan lng ksi prone tayo sa UTI(never ko pa naisuka) pag water din po nasusuka din ako lalo na pag hindi malamig yung tubig and pasipsip lang ang inom ko para hindi agad ako mabusog or hnd ko dn maisuka.. Minsan naman po nakain ako ng frutos na tamarind flavor pang iwas suka dn.. Mga mamsh pano po kaya mababawasan yung pangangasim? Thank you po.#advicepls #pleasehelp #pregnancy

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan din sakin mamshi nung 7 weeks ako gusto ko kumain ng maasim pero pagkatapos kumain sinusuka ko din tapos nag try ako kumain ng ibang fruits apple try mo mamshi baka magustuhan mo ganyan din kasi ako pati tubig sinusuka ko ayaw ko din ng gatas pero pag milo okay lang naman tas try mong kumain ng egg baka magustuhan mo din magiging okay din yan pag nasa 9 weeks ka ako kasi okay na ngayon d na masyado nahihilo at nasusuka tas iniiwasan ko talaga na d makakain ng mga maasim kasi nga diba pag buntis panay ihi try mo lang kumain ng egg at gulay para kahit papano may laman tyan mo at makakain din si baby☺️btw im 9 weeks and 5 days ☺️

Đọc thêm
2y trước

thanks mamsh sige ttry ko yan para may makain na din ako and pakonti konti nlng siguro pag kain ko para hnd ko agad mafeel na busog ako.. thanks talaga sa pagshare at least alam ko hindi lang pala ako ang nakaexperience ng ganito.. and congrats satin 😊😊😊

also try mo banana (once a day) or 1 egg. nakakahelp din yun sa energy at sa pagduduwal. yan (except sa egg kasi bahong baho ako sa egg 😅) nakatulong sakin nung grabe ako magsuka from 6 to 8 weeks. ngayong 9 weeks na medyo medyo na lang :) as much as possible iwas na sa instant noodles kasi wala pong nutrients na makukuha si baby. pwede siguro lugaw or sabaw ka.

Đọc thêm

Ganyan din ako medyo nabawasan ng mag 10weeks pero hirap ako tlga at sobrang nangangasim, at pati panlasa ko. Gingawa ko kain lng ako cracker at banana pra mawala pangangasim at gutom at more water

anmum ka ng chocolate flavor mii. ako nung 7weeks din ako as in di ako kumakain. nagpabili ako ng anmum choco ayun medyo lumakas na ulit ng kaunti. mas maselan talaga kapag second pregnancy daw.