penge tips

mga mami sino po gumagamit ng UNI-CARE brand dito? okay po ba siya sa mga newborn pa rate naman po base sa experience niyo, suggest nadin po kayo ng magandang brand na budget friendly. thankyou po#1stimemom #advicepls #pleasehelp

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

The best yung baby wipes nila. :) Never nagkaron ng bad reaction ang skin ng baby ko since newborn until now 5 months na. Ok yung diaper nila na airpro sa newborn, pero nagpalit na ako ng diapers ni baby kasi naghanap ako ng mas mura. Sabi din ng iba naglileak yung diapers nila sa babies nila kapag mas malaki na. Hindi ko na yan sure kasi di ko na naexperience yan. :) Right now ang gamit ng baby ko is yung Sweetbaby Plus na diapers. Mura tapos maganda kaya super sulit. :) Ok din yung Happy Super Dry. Ang kapal ng diapers nun as in, pero medyo mas mahal siya. Yung EQ Dry ok sana kaso pumapanghi. Unilove na liquid detergent ang gamit ko sa clothes and linens ni baby. Maganda and matipid kahit nakawashing machine. Pero Tiny Buds ang gamit ko na fabric softener/conditioner kasi mas bet ko yung scent nun. :) For babies, I can say na safest talaga yung mga products nila and ng Tiny Buds. Natural kasi sa Tiny Buds, pero I must say na may kamahalan yung ibang tinda nila.

Đọc thêm

UniLove user here.. I suggest kung newborn try mo muna yung Unilove Unscented wipes nila at yung pang Newborn na Airpro Diaper di ka magsisisi sa quality and affordability.. Ang mga hinohoard ng mga mommies at laging soldout Vegan Baby Cream at Squalane oil nila pwede ka din mag stock niyan pero i suggest mga 2 to 3mos above mo na pagamit kay baby.. Effective yung squalane oil sa Cradle cap ng baby ko at yung vegan cream naman sa dry patches sa face ng baby ko. At pinaghahalo din yan ng mga mommies nakakalighten ng peklat ni baby at pwede din skincare ng mommy. Sali ka sa UniLove Ph Official group sa fb Mixed kasi mga brands na ginagamit ko like creams ng TinyBuds affordable din yan at organic..

Đọc thêm

Natry ko yung diaper nila mii. Okay na okay siya. Yung wipes ni baby nung newborn siya yung unscented ang ganda gamitin sa baby. Now 11 months na siya ang bango nung mga scented wipes nila.

unilove user si bby ko. ok naman po ang products nila. pero pagdating sa diaper kung malaki ang newborn mo mag'small size ka na. maliit kase ang sizes nila.

ask lang po if safe po ba sa neeborn baby yung unilove vegan baby cream? thank you 😊

THANKYOU MGA MOMMY , MAG START NA KASI AKO BUMILI NG NEEDS NI BABY🥰🥰