Symphisis pubis dysfunction
Hello mga mami. 27 weeks FTM. Sino po dito nakaka-experience ng SPD. Sobrang sakit sa left side ng singit. Kada lakad ng kahit maiksi sumasakit na afterwards o kinabukasan. Ang hirap pag gagalaw sa kama, tatayo, lalo na pag lalakad. Huhu Hindi naman palagi masakit. Kapag kada exercise o mahabang upo/higa lang. Worried lang para kay baby. Sabi kasi ng OB ko dati dahil lang breech si baby at mababa inunan ko. 4mons pa lang ako nun. Pero ngayon okay naman na position ni baby pero mas lalong sumasakit. #advicepls #firsttimemom

