Ubo at sipon

Hello mga maa. Pakalmahin nyo naman po ako. 1 month 2 weeks pa lang si baby. Noong nakaraang linggo ay sinipon. Pinapedia ko pero sabi gatas lang daw yung tumutunog na yon. Then after non nilagnat naman. Nawala rin agad pinag tempra ko lang isang inom nawala na agad. 2 days after may sipon na naman ako naririnig kaya pedia na naman. Barado nga daw ang ilong at pinag nasal drops ako ng dr. After a day inihit na ng ubo si baby. Hirap na hirap kada ubo nya kaya pedia ulit. Pinag antibiotic na kami at ambroxol. After 3 days ay wala naman naging pagbabago. Naaawa ako kapag nagigising sya dahil sa ubo nya. Sobrang dami pati nya umubo at matagal. Sumubok ako sa ibang pedia. Then iniba nung bagong dr ang dosage. Sabi pa nga ay hindi daw dapat agad na pinag antibiotic dahil bata pa. Binabaan nya ng dosage dahil ituloy na daw at nasimulan naman na painumin. 2nd night nya pa lang ngayon mula sa bagong dr. Pinagnenebulize n rin kami. Ilang araw na akong hindi natutulog may 5 days na siguro akong gising. Makatulog man ako at palagi 30 mins lang. Binabantayan ko sya dahil alam kong nahihirapan sya huminga. Rinig na rinig ko yung sipon nya sa dibdib. Hindi ko na malaman anong kailangan ko pang gawin para mapaginhawa si baby. Gusto ko na sya ipa ER pero wala rin naman magagawa doon. Naaawa pa ako baka kung ano ang gawin sa kanya like tubuhan or kung ano man. Tulong po. 😔😢😢😢

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

same 26 days c baby ko nun una dinala sa pedia nsal aspirator at sodium cloride lng nireseta bwl p any gamot.nwla nmn sipon nia kso nagkaubo nmn.dinala ko ulit sa ibng dr niresetahan ng antibiotic 1wek tas ambroxol at salbutamol ong nebulizer for 5 days ayun ngng ok naman.gumling at pligi din paarwan c baby evry morning if posible

Đọc thêm

Baby ko mi nung nagkasipon at ubo antibiotics din saka nebulizer ang nireseta ng pedia nya. Natakot nga din ako kasi sabi nung pedia baka maadmit baby ko pero buti naagapan. Tyagain mo lang po mi gagaling din po yan basta painumin lang po ng gamot at inebulize.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-4504253)