Di nasama sa iba si Baby
Hello mga ka Nanay. Tanong ko lang if same ba ng baby ko ang baby nyo? 5months old sya pero start nung going 3months old sya hindi sya nasama sa iba, kapag binigay sya sa di nya kakilala grabe sya kung umiyak. Tanging kami lang ng Mother ko ang sinasamahan nya. Nagtataka lang ako kasi yung anak naman ng friend ko kasing tandain nya, lahat naman sinasamahan. Kapag may nabuhat sakanya tinitignan nya pa talaga sinisilip tas pag nakita iiyak na. Kung di ka man pakita sakanya pag narinig nya ang boses iyak talaga. Kaya wala tuloy maka karga sakanya na iba lalo na yung family ng Husband ko. Samin lang talaga sya ng Nanay ko and Husband ko. Thank you po sa mga sasagot! 😊