Pa rant lang po

May mga ibang tao kasi na judgemental iba iba po tayo nang sitwasyon, di lahat gaya nyo na may kaya sa buhay o may agad mapag kukunan nang pera pang pa check up.. given na po na need talaga since responsibility natin yan pero may times talaga na walang wala tayo, if may mag tanong po dito respect nalang wag un mag rereply kayo nang pabalang, di naman natin alam pinag dadaanan kapwa mamshie natin... Hindi naman sila mag download nang app na to kung wala sila paki sa dinadala nla, di lang talaga lahat meron agad agad... Kainis lang kasi iba ko nababasa ko un mga comments bakit daw di pa nag papacheck up kesyo ganyan ganyan, nakaka relate kasi ako mamsh ako gusto gusto ko mag pa check up para mabigyan vits si baby kung pd lang nga araw araw kasi praning tayo mga mamsh, pero di lang talaga pinalad kapos talaga, kain na nga lang hirap na, so please lets respect each other kung di ka maka pag comment na maganda its better wag nalang mag comment nang di ka maka panakit nang feelings, di nyo po kasi alam mga pinag dadaanan sa mga likod nang mga napopost dito.. kaya nga nag download nang app na ito to seek help, advice or idea, Hays sensya mga mamsh na inis lang ako..

35 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

nakakastress magbasa ng mga comments dito. 😢 you can say the truth and give advices naman without being mean, lalong lalo na preggy mga kausap natin mga momsh. 😞

'kain na nga lang hirap na', bakit mag-aanak ka pa? :)

2y trước

Ikaw anonymous na color gray sino may sabi sayo anak ako nang anak? Sabi ko lang ang sasama ng ugali nyo kasi pwede naman mag-advice nang di masama yung lumalabas sa bunganga mo. Kaya ikaw tama lang wag ka na mag-anak kasi bukod sa mukang di ka din naman mukang may capable bumuhay ng bata kasi against na against ka diba? Baka kumalat pa yang mabantot mong ugali.

Bat kase inuuna nyo yung libog nyo kesa mag ipon? Tapos pag na realtalk kayo dadamdamin nyo? E kasalanan nyo din naman kung bakit kayo nahihirapan.

Thành viên VIP

yes kaya dapat let's be mindful sa pagbibigay ng advise sa kapwa mommy, meron naman center rin na malalapitan atlis libre lang.

Kung pati pang kain hirap na, sana nag family planning. Mas kawawa ang bata na mabuhay ng ganun din.