7 weeks LMP pero 5 weeks lang sa ultrasound and no embryo
Meron po ba same experience sakin? Natatakot po ako eh. 2 weeks ago nagpaTransv na ko ang gestation sac age 5 weeks.. tas ngayon nagpaTransv ako ulit 5 weeks padin yung ges sac age base sa size.
Ganyan po sakin last year, 3wks ako pabalik balik para pa TVS... hindi nagdedevelop, gang 5wks 5d lang... nagtuloy tuloy na dugo ko kahit ininuman ko pampakapit... Anembryonic Pregnancy raw un case ko, Blighted Ovum... Wherein buntis ka pero walang baby na nadevelop, inunan lang... Eventually raw kusa xa irereject ng katawan mo kasi magiging foreign body na xa, kaya raw dinudugo... Hindi po ko niraspa last year, natural abortion po ako... Niresetahan po ako Primrose pampalambot cervix, nailabas ko naman lahat... Nagpa TVS ako after ako duguin, wala namang natira... Pero try nyo po pa second opinion, to make sure.
Đọc thêm