Pagsakit ng puson pag umuubo
Hello. Meron po ba ditong same experience ko. 1st time mom po 6weeks preggy and grabe po yung ubo ko to the point na sumasakit puson ko pag sobrang ubo na. Pero pag hindi ako inuubo hindi naman po sumasakit. Wala din po red discharge or even brown wala sa panty ko. Kakagaling ko lang po sa OB kahapon and sinabi ko naman po yung sitwasyon. Ni resetahan po ako ng multivitamins at folic. Ewan ko ba, nakakaparanoid lang po talaga. Baka po meron kayong tips and same experience sa akin. Baka pwedeng pa share para kahit papano mawala pag aalala ko. Hehe. Salamat po

