Morning sickness at Paglilihi
Meron ba dito tulad sakin na wla masyado maramdamang symptoms tulad ng pagkahilo, pagsusuka at paglilihi sa pagkain?
Ang swerte mo momsh ako nung 6weeks grabe pag susuka ko. One time muntik pa ako mahimatay sa lobby nung bumaba ako ng unit kasi may bibilhin kaya bumalik ako sa grabeng pigil ko nung nasa nasa elevator ako pabalik ng unit . Bubukas palang ako ng pinto nasusuka na ako gang sa deritso na ako ng cr. Sobrang silan sa pagkain kaya di ako makakain ng maayos kahit gutom ako. Sabi ko sa partner ko kilan kaya mawawala to . Sabi nya kunting tiis lang malalampasan mo rin yan . Now im 9weeks preggy ilang days na akong di nag susuka. Medyo nakakain narin ng maayos pero gusto ko luto ng partner ko lang 🙈 dumating sa point parang sya pinaglihian ko din lage ako gigil kinukurot muka nya kinakagat aray ng aray partner ko wala naman sya magagawa 🤣 1sttimemom firstbaby. Goodluck satin mga momsh 🥰
Đọc thêmGanyn din po ako halos wala din akong naramdaman.pag susuka or pag lilihi sa pagkain.pero ung 6weeks ako lagi akong pagod tulog lang ako palagi.ngayon 7weeks and 4days na ako nararamdaman ko na sickness😅.. lucky padin ako kasi pag duduwal lang naman naranasan ko never pa ako talagang nasuka pero i hate the feeling🥴🥴
Đọc thêmSwerte mo nga mommy wla kang paglilihi at morning sickness wag mo talagang pangarapin mag lihi at morning sickness masisira buhay mo hehehe ang hirap po pag mag morning sickness promise. Swerte niyo po
Ako po. walang morning sickness even nung 1st pregnancy ko. lahat kinakain ko hehe. hindi ako maselan magbuntis momsh, parang lumaki lang talaga yung tyan ko at tumaba ako 😅
noong 5weeks saka 7weeks walang lihi hilo lang pero nung nag 8 weeks till now umiiyak na ko sa hirap ultimo pgkain amoy sibuyas. sinaing na kanin wala po talaga gana haha
yes sis ganyan ako pero kapag nakain ko na yung pagkain ayoko na ulitin gusto ko ibang ulam naman baka boy yan baby boy yung akin ❤️❤️
Same tayo mi. Sa first baby ko parang ang normal ko lang talaga, sabe nga ng asawa ko kabaligtaran ng ineexpect nya yung nangyari sakin.
Ako maselan po ko sa 3rd child ko, sobrang nahihilo at naduduwal. Kahit nagugutom na ko tubig lang iniinom ko. Hanggang 15 weeks.
ganyan din tanong ko lately pero nitong pag ka 7 weeks ramdam ko na ang morning sickness. 🥴
pero minsan nahihilo ako kaya binibilan ako ng asawa ko ng katingko