Water at 1month old

Mejo nakakainis na byenan ko. Ayaw ko sanang painumin ng water si Baby kaso lage akong nireremind kesyo kailangan daw. Gusto ko kase sana pure breast milk lang ang maiinom niya sa loob ng 6months, nagstart nilang painumin ng water si Baby nung 15days old palang ! Ayaw ko sana kaso kahit partner ko umaayon sa parents niya. Naiyak nga ako nung last week kase aalis ako then nag iwan nalang ako ng milk na pinump ko then ang sabi kulang daw pero hayaan ko na daw busugin nalang nila sa tubig, wala akong nagawa kundi maiyak nalang sa kwarto bago umalis ? Okay nman sila pero pagdating lang talaga sa pagpapainom nila ng tubig sa baby ko ang kinakaayawan ko. Ngayon 3days ko ng hindi pinapainom kaso napansin nila na hindi ko na pinapainom kaya ang sabi saken painumin ko na daw 3days ng hindi nainom ng tubig si Baby. Ano po ba pwede kong ialibay para lang tigilan nila ang pagpapainom ng tubig sa baby ko ? Balak ko nga sa pagcheck up kay Baby tapos pag uwi sabihin ko sa kanila na bawal ang tubig kase hindi naaabsorb ng baby yung gatas ko. Hindi kase sila naniniwala na bawal sa baby ang tubig keme lang daw ng mga Doctor yun

64 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Tell her na complete composition na ang breastmilk. Di na need ang water. Sabi yan nang pedia! Your child your rules dapat. Kung gusto nila respetuhin mo sila sabihin ml respetuhin den nla desisyon mo sa anak mo. Hindi porket byenan sla, ikaw lang makikisama sakanila. Need both ways ang makisama. Pag nagkasakit anak mo sayo den naman sisi. Kaya agapan mo na.

Đọc thêm

Mga bwiset talaga byenan! Sasabihin pa napagdaanan and ginawa nla yan dati. Pwe!!

ganyan din minsan byenan ko, sabi ko nga bawal muna painumin kasi nagsesearch ako and sabi pag pinainom ng water si baby lalo na pag new born palang it can cause water intoxication..kaso mapilit sabi sakin wag ko daw paniwalaan nakalagay sa internet kasi pwede naman daw painumin water naman daw..nakakaloka, search mo rin momsh ung regarding jan tapos explain mo sa byenan mo na bawal pa nga until 6mos. or kung ayaw maniwala pag nagpacheck up ka manghingi ka ng proof from pedia saying na bawal pa tlaga uminom ng water si baby

Đọc thêm

Wala ka dapat ipaliwanag o sabihin sa kanila mamsy, ANAK mo yan. Hindi nila anak yan, IKAW NAGPAKAHIRAP, IKAW NAG LABOR, IKAW UMERE NIYANG BABY MO, ngayong nanay ka na ikaw dapat mag desisyon para sa anak mo, hindi ibang tao kahit pa magulang ng bf mo, wala sila g karapatan na manghimasok sa pagpapalaki ng sarili mong anak. Yan sabihin mo. Sila dapat gabay lang hindi dapat mangialam, TANDAAN MO YAN

Đọc thêm
5y trước

Tama yon nakaka offend na kasi mga biyenan na akala mo anak nila ung anak mo eh gusto sila masunod eh kahit alam mo naman gagawin saka nalang sila makielam kapag kailangan ng tulong ndi ung mulhang gusto na nilang sakanila na anak mo hays