Nakaraos na din 😆
Masyadong excited si baby lumabas 😆 36 weeks 5 days plang lumabas na agad EDD : June 12, 2022 Gender: Baby Girl 3:00 am - pumutok panubigan 5:00 am - induced for labor 11:56 am - lumabas na si baby Grabe sobrang sakit lalo na first baby ko sya. At malupit pa tinahi ako ng doctor ng walang anesthesia kaya ramdam mo bawat tusok ng karayom 😆😆😆 #firstbaby
hello po mommy 😊. wala po bang naging side effect kay baby ng lumabas sya ng 36 weeks 5days?. EDD ko po kasi is June 17,2022. 35 weeks pa lang sya nakakaramdam na po ako ng paghilab ng tyan at pag sakit ng singit. nung nagpacheck up po ako sa ob ko, niresetahan nya po ako ng pamparelax ng uterus para dw po di agad lumabas si baby. inI.E dn po ako ng ob ko,sabi nya malambot na dw po cervix ko kaso po close pa naman. sabi dn nya mag antay pa dw po kami ng kahit 2weeks pa para saktong 37weeks. Worried po kasi ako, mas lalo't kagabi po nagsakit ulit tyan ko ng 1:30am pero nawala naman dn po agad nung nag iba po ako ng position ng paghiga. sana po mapansin. thank you in advance po 😊. Godbless 😊
Đọc thêm36 weeks and 5 days ko din today pero parang nakakaramdam nako ng contraction dko lang sure kung false labor ba to o ano. tumitigas yung tyan ko na parang mahapdi sya na ewan tapos kapag nakatayo ako o naglalakad matagal feeling ko para naman ako natatae. ganun ba mga naramdaman mo bago ka manganak? FTM Din ako
Đọc thêmpwede na po pala manganak ng 36 weeks ako po kasi 36 weeks in 4 days na po naninigas narin yung tiyan ko nag Pa check up ako kahapon ang sabi sakin mag bedrest muna ko hanggat nipa pwede manganak mag wait daw ako ng 1week kasi wala Pa daw ako 37 weeks
congrats Po mommy 😇❤️June 8 nmn due date ko sana mkaraos n dn Araw Araw n dn nagpaparamdam c baby at 3cm plang ako 37 weeks 4 days plang ako😇
ako 35weeks gsto na din lumabas baby nresetahan ako ung nilalagay sa pwerta ,ok nman now im 37 weeks nresitahan nman ako ng pngpalambot ng cervix
congrats sis. Napaaga labas ni babygirl a ? Halos same tayo ng due sa june, nakkaramdam nadin ako ng pannakit ng balakang at pusonan banda.
Sana all 😭 Btw, congratulations mii! Sa wakas nakaraos na din, cute nu baby😍 Pero grabe tagal ng labor ah.. Masakit? 😂
Hahaha, makakalimutan mo din yan mii. Tingnan mo ilang years lang meron na ulit yan😂
congrats! ❤️🌷 same edd tau.. sana kame din ni baby makaraos ng normal delivery 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Sana all. Congratulations mommy🎉🎉🎉 June 6 EDD ko,waiting pa rin😅😆.
congrats po ..sana kame din ni baby maging maayos at normal delivery 🙏🙏🙏
Congratulations po! Simula na po ng walang tulugan! ☺️ Ingat po kayo ni baby!
Tulog lng po kayo pag tulog siya, you need rest din po mommy. Eat healthy and hydrate para may milk din po kayo. ☺️
Dreaming of becoming a parent