Kmusta kayo Mommies ng Team May?
Masaya lang po ako kasi nung 1st trimester ko sobrang hirap ako pero ngayon halos 10 weeks nalang mailalabas na natin ang ating mga baby. Nakakatuwa. Ready na ba hospital bags nyo? Ako kasi hindi pa pero researching na rin naman. Hoping na okay and healthy ang mga Mommies and babies ng Team May. God bless us all mumshies!
Hi mommy! Same tayo sobrang selan ng 1st tri. Suka here suka there. Akala ko hanggang 9 mos na buti nawala din after 18 weeks. Napatigil pa ko sa work dahil dun kaya eto kulang pa mga gamit ni baby. No regrets though kasi rainbow baby ko to kaya worth it na din pag-give up sa lahat maalagaan lang si baby. Recently lang, I had contractions sabi ni ob baka dahil lang sa stress kasi ok na ok sya based sa utz. 28 weeks na kami. Konti na lang. By 32 weeks, maglalaba na ko ng lahat ng nabili kong gamit. Back to zero kasi ako 7 yrs old na si panganay kaya mga bago lahat ng gamit nya wala naman nagbibigay ng hand-me-down stuff baka napamigay na din nila sa iba. God bless sa atin, Team May! May we all have a safe and healthy delivery!
Đọc thêmGoing 30 weeks here! 🤩 Super excited na kahit kinakabahan. FTM, 3 years kaming naghintay kay baby and after two miscarriages. Sobrang selan din ng 1st trimester and until now medyo maselan pa din. 🥲 Naguunti unti na ng gamit. Di pa makabwelo kasi last time nag pa 2D echo pa kami. Sana this coming weeks maging smooth nalang... ☺️ May mga names na ba kayo sa babies nyo? Haha. Kami kasi nagtatalo pa. 🤭 Praying for safe delivery to all, healthy babies and fast recovery sating mga mommies. 🥰
Đọc thêmHaha. Kami din mamsh di pa complete sa gamit. Madami kasing ginawa pa kay baby dahil may nakita sa heart nya, buti nalang all clear na sa 2D echo. Mahal din mga procedures. 🥲 But worth it naman! ☺️ Sana makumpleto na natin mga gamit and supplies.. 🙏🏻 God will provide. 😇
31 and 5 days na ako. nagstart palang po ako mamili. dami pa bibilhin at aayusin. anxious na ako ngaun kc rainbow baby ko to khit papaano naggflash back sakin nangyri sa first born ko. pero super happy dn kc maselan tong pregnancy ko kc simula 6 weeks lagi ako my spotting. sana nga po maging ok ang lahat ❤️
Đọc thêmonga po kc breech pdn c baby. hehe nga po pala matanong lang po ano po need na document for philhealth? need po ba mdr or kahit id nalang po? pti po ba contribution po ba un? sa una ko kc mother to give birth ang need nila. kaso ngaun 2nd baby hndi ko pa po natanong sa hospital. kung alam nyo lang po. salamat ☺️
Im 32 weeks and 1 day same sobrang selan sa 1st trimester sakitin at suka ng suka at nahihilo.. ngayon excited na medyo kabado 😅pero go! go! 😁 makaka raos din may mga kulang pa for maternity needs and stock diaper and wipes .. mag dadagdag ulit pag my extra budget na 😊 Ingat saten mga mommy 😇 pray lang
Đọc thêmyes mommy! go go go lang! malapit na natin makasama ang ating mga babies! hehehehe 🥰 God bless po!
30 weeks and 4 days ako ngayon mi, nakabili na ng onting gamit ni baby and magtitingin tingin pa. super excited ang daddy, kahit mahal nagagastos, go lang daw para kay baby 🥰 kinakabahan din sa panganganak, sana ma-normal and walang kahit anong complications ❤️
nakakatuwa diba po hehehehe praying din po ako always na maging okay ang lahat 🥰 God bless po!
31weeks and 5d here. complete na gamit ni baby and naka ayos na rin hospital bag namin hihi. Kaso kung kelan na malapit lumabas baby ko syaka pa nag breech position 🤣🤣
wow! nice mommy! ready na sa big day! 😍 naexcite din siguro si baby kaya umikot pa. pero may ilang weeks pa naman para makaikot ulit sya. 😄😄 God bless po mommy!
Almost complete na currently 30weeks ako nakaready na din lahat super excited kasi kaya 26weeks palang ako nagstart nako then 29weeks naglaba nako hahahaha
congrats na agad mommy! konti nalang makikita na natin ang ating babies. going 30 weeks here. hihihi! God bless mommy!
Almosy comple na gamit namin mamsh. Alcohol, cotton balls, maternity pads nalang kulang. Siguro pag 35 weeks nako tsaka ako magrinready ng hosp bag 💜
nice one mommy! ako wala pang gamit pero meron naman ako dito preloved ng panganay ko 😊 God bless po mommy!
I'm 32 weeks na sobrang selan nung 1 trimester pumangit dhil sa pagbubuntis peo oky lng pra sa baby ko kabado peo kakayanin pra Kay baby
don't worry mumsh babalik din po sa dati ang freshness. konting pasensya at time lang. 😊 ako rin po ganyan noon at bgayon pero iba po feeling pag andyan na si baby 🥰 God bless mumsh!
grabe na ang anxiety ko. every 2 weeks na din check up ko. wew. keri na mga gamit ni baby. hospital essentials na lng kulang.
always pray lang po mumsh. malapit na natin makasama ang babies natin. good thing din na ready na gamit ni baby. 😊 God bless po!
Baby bunso OTW