riding motorcycles

Masama po ba tlga sa buntis ang umangkas sa motor kahit 40-60 kph lng ang takbo?

381 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hindi naman delikado umangkas sa motor basta ingat lang sa pagmamaneho. Ako nga, overdue ako ng 1 araw nakaangkas pa ko sa motor. maliit din kasi tyan ko kaya di nakakabahala na umangkas sa motor. pero kung sadyang malaki tyan mo at di kaya sa tricycle nalang.

okay naman po siguro umangkas ,ako kasi nakasideview pag aangkas sa motor para kipit ang legs, pag sa tricycle naman po dapat sa likod po ng driver uupo kasi konti lang po yung tagtag dun, pag sa loob po kasi ng tricycle matagtag lalo na po kung lubak lubak dadaanan

Okay lang po umangkas as long as smooth lang ang pagpapatakbo ng motor. 5 months preggy na din ako pero naka angkas pa din ako sa asawa ko. Minsan ng ttricyle din ako, pero sinasabihan ko talaga muna ang driver na mg dahan2 lang sa mga humps o lubak para iwas alog alog.

Ako po simula nung nabuntis ako at umangkas sa motor bumaba yung placenta ko. Kaya nag high risk ako. Kaya kung ako sayo girl wag mona balakin, mabuti ng sigurado. Yaan mo yung ibang naangkas. Nasa kanila naman yan e. Bsta isipin mo nalang kung saan ka siguradong safe!

1y trước

Delikado po , kasi kung bumaba po yung placenta nyo anytime pwede po kayo duguin. Bed rest lang po , lagay ng unan sa balakang tas angat yung dalawang paa sa pader. Ganun po ginawa ko , kaya nung sa next ultrasound ko , tumaas na din sya. Thanks god po talaga nun .. Dasal lang din at kausapin si baby ❤

Na angkas sa asawa ko since simula nang pag buntis ko. Kanina umuwe ako nang naka jeep natagtag ako naninigas tyan ko. Na humihilab. Akala mo may racing ng jeep e. Nag uunahan dun pa talaga sa lubak nadaan kahit may Plain daanan naman. Basta lang makasingit e.

Para sakin okay lang na umangkas sa motor tas asawa ko driver kampante ako kesa sa ibang mag ttrickclye umaalog talaga di man lang mag dahan dahan kse pero ngayon medyo malaki na tiyan ko madaming nag babawal sa pag angkas ko sa motor kaya lakad lakad nalang.

share k lng din po mahilig din aq umangkas sa motor nun . hehe pero diko Alam na buntis na pla aq Wala png 1 month . thanks God at Wala nmang nangyare samin khit rock road lagi dinadaanan now puro bahay nalng aq aangkas lng sa motor pagmgpapacheck up kmi .

Thành viên VIP

nung di ko pa alam na preggy nako. naaksidente kami ng Lip ko sa motor. nalamog yung tuhod ko. buti di ako nakunan😪 gang ngaun naangkas parin ako kay Lip pag mag sisimba kami naka side lng upo ko. tsaka iwas lang muna kami ngaun sa mga rides.

hindi naman po dapat lang mag ingat ako nga nag momotor hatid sundo ko ang Anak ko sa school eh 5months preggy po ako. no choice talagang ang mga nanay ay flexible. bastat walang abiso si oby na bawal mag motor wag ka mag motor pero kung ok naman why not.

matanong lang po, ok lang ba ang baby pag lagi nasiksik bandang puson lagi po dun yung baby ko, sakit sa puson lagi ako napapaihi e, malimit din na dun sya natigas, 5months na po ako buntis pang 2nd baby ko po, 1st baby ko cs po ako😊 thankyou po😊