Stressed&Pressured

Masama ba na ayaw ko ipaalaga sa iba anak ko lalo na sa MIL ko? Palamunin lang kasi ako at ang pag aalaga lang ang alam kong silbi ko, at ayaw ko ipaalaga sakanila para wala sila masabi. Nakikitira pa kami sa bahay ng MIL ko pero nag sishare naman kami sa bills. Kada iiyak pa anak ko kinukuha agad sakin ng MIL ko dahil nagagalit daw yung FIL ko kasi ayaw naririnig umiiyak anak ko iyakin pa naman LO ko. Supeeer nakaka stress and nakaka pressure 🥺 wala pang 1mo simula nung nanganak ako CS pa ako. 🥺🥺 any advice naman mga miii kung ano pwede ko gawin...

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Why call yourself palamunin? Taasan mo naman tingin mo sa sarili mo, mi. Nanay ka ng anak mo and that is your job right now so dapat ka talaga alagaan at busugin ng asawa mo because that is his role. Can you stay in your room lang pag umiiyak ang baby mo para hindi nila basta kuhanin ang baby mo and para na din hindi masyado marinig ng FIL yung iyak niya? Bakit mas bugnutin pa sila kesa sa baby? Iyakin talaga ang baby, baby yan eh. Pag iiyak siguro, just carry your baby or feed your baby if breastfeeding ka. CS din ako. Wear your binder very tightly para kung need mo buhatin ang baby mo, hindi masakit ang tahi

Đọc thêm

para wala sila masabe 🤨 yaan mo na may masabi mi. pakuha mo na at ipaalaga ng makarelax relax ka. or habang nasa kanila, magwalis ka maglaba o magluto or do whatever. wala sila pede sabihin sayo dahil gusto naman nila un tyaka baby yan iiyak talaa yan. as time goes by pagkukwentuhan na lang nila na noon kamo pliyakin ang bata na yan and thats it 😂😊 use ur byenans as much as they like. mahirap ung nagisa ka lang sa lahat nakakapostpartum yan

Đọc thêm

dyan din ako naiinis pg may ngglit na umiiyak si baby, sa case ko nmn is mismong asawa ko ang naiinis pg umiiyak baby ko, ilayo mo na lang po pag iiyak na si baby sa mga maarte na ayaw makarinig ng iyak ng baby .

Nakaka inis talaga kapag may kasamang MIL sa bahay! daming napapansin.