Nightmare na ayaw maranasan ng isang Mommy.

Maraming natuwa nang malaman na buntis ako. Excited ang lahat lalong-lalo na ang magulang ng josawa ko at magulang ko na pinagyayabang pa na magkakaroon na sila ng apo. Syempre mas excited kami ni josawa na nagpa-plano na kami para sa paparating naming anghel. Pero nong araw na bigla na lang ako nag bleeding? Isa 'yon sa araw na kinatatakutan ko. Isa 'yon sa araw na ayaw kong mangyari. Nag ultrasound kami, pero hindi raw makita ang baby. Naririnig ko na rin ang sinasabi nila at hindi na ako natutuwa. Pumunta ulit kami sa dati kong pinag ultrasound to make sure daw, nong makita ko palang 'yong result, alam ko na. Alam na alam ko na. Nagpa-check up pa ako para ipabasa sa ob. Kase baka mali lang pag intindi ko. Pero alam niyo 'yon? Iyong tipong alam mo na ang sasabihin ng doctor. Sobrang sakit pala. In-explain niya sa akin kung bakit gano'n ang nangyari tapos pinapapili ako ng tatlong option—ang maghintay ng isa pang linggo pero base sa result wala na raw talaga at hindi na humihinto ang bleeding ko. Pangalawa, iraraspa ako. Pangatlo, 'yong gamot para ma-washout si baby. Wala akong naisagot sa Doctor. Wala akong napiling option. Binigyan niya na lang ako ng reseta. Ako na raw ang bahala mag desisyon kung iinumin ko ba ang gamot. Basta bumalik daw ako para masiguro ang kalagayan ko. Sobrang sakit pala. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Iba talaga ang power ng pagiging ina, ano? Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng doctor kase bumuhos na luha ko. Lumabas ako sa kwarto nang umiiyak. Wala na akong pakealam kung pagtitingnan pa ako ng ibang buntis. Siguro naman maintindihan nila ang pakiramdam pag nawalan ng anghel. Hanggang sa makalabas ako. Nong makita ko si josawa na nag aabang sa akin sabay tanong na, "Anong sabi ng Doctor?" Wala. Bumuhos na lahat ng luha ko. Para akong nanghina. Parang nawalan ako bigla ng energy. Na iniisip ko, baka nagkamali lang ang doctor. Mahirap. Sobrang hirap. Pero siguro tama nga ni josawa . Baka hindi pa talaga oras. Na, may dahilan si God kung bakit nangyari lahat ng 'to. Kaso ang sakit kase. Ang sakit-sakit. Pero anong magagawa ko? Namin? Gano'n talaga eh. Kailangan kong/naming mag look forward. Kailangan kong maging matatag. Sa mga nagtatanong. Hindi nadevelop ang baby. Same case sa nangyari kay Alex Gonzaga. Sabi ng doctor, hindi raw dahil sa stress o anuman. #pregnancy #1stimemom #firstbaby

Nightmare na ayaw maranasan ng isang Mommy.
22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hugs, Mommy! In God's time, you'll be blessed with another angel.

condolence sis. naluha ako sa post mo. how many weeks na ang angel mo?

3y trước

10 weeks na po dapat. Kaso 5 and 6 days lang po ang development niya. 😞