5months no kicks
Hello mamsh, 5months na po akong buntis pero hindi ko pa po nararamdaman movements at sipa ni baby. Ilang weeks po ba sya mararamdaman? Dapat ko na ba itong ikabahala? #Ftm20weeks
malikot na sya ng 5 months pero may kakilala ko same sayo. chubby kase sya kaya mabilbil. ginawa nya nagpa ultrasound sya para mamonitor ung heartbeat kase d nga magalaw. okay naman po. do the same para mawala pangamba mo
Ganto din ako mi. Sabi ko sa OB ko diko, feel aba pag salang namin for CAS ang likot po ni baby. Now 23 weeks na po ako. Super feel ko na ang galaw nya. It will take time mommy pero worth to wait. Lagi mo rin po sya kausapin :)
thankyou momsh, may nafifeel po akong something na bubble bandang puson akala ko nga may lalabas eh pero paranh bubble sya sa loob ganon baka si baby na yon
hello po mga mamsh. may tanong lng po ako bakit po hindi lumaki ang tiyan ko kasi mag pa 5 months napo sya... may alam po ba kayo kung bakit. para po siyang bilbil
baka need mo uminom ng pampakapit mamsh lagay ka po lagi ng unan sa likuran mo para tumaas si baby
Nung 5months ko mi nafefeel ko si baby pero hindi gaano at may times na tlagang di ko dama. Kasi anterior placenta pala ako mi, nung 6months ko malikot na si baby :)
Ganun tlaga mi kapag anterior di makulit pero sa loob gumagalaw po siya
ako nung 20weeks di ko sya ramdam ksi anterior placenta pala ako. now 25weeks n ako nararamdaman ko na sya konti. paUTZ ka po para macheck heartbeat
last ultrasound ko po kasi january 3 anterior placenta po ako
if ok naman po check ups, prenatal vitamis at heartbeat ni baby tapos anterior placenta ka po wait mo po till 24 weeks.
sana po maramdaman ko na din sya♥️
Dapat nagalaw na yan Mommy, pero if oks naman sa check up mo no worry po. Sakin kse nag start sya malikot is 5months
Opo last check up ko mamshie january 3, anterior placenta and okay nman po result. FTM po kasi momshie minsan po paranh may kumukulo sa puson ko ganon sya na po ba yon?