Prob Sa Asawa At Byenan

Maglalabas lang ng sama ng loob mga mommies. Ako lang kasi nagwowork samen c hubby wala syang work. Pra may katuwang ako sa gastusin dahil buntis ako naglakas loob akong humingi ng pera sa papa ko pampuhunan nya sa bigas. Kaso nalaman laman ko na nung nalaman ng byenan ko na may pera asawa ko nanghiram kagad sya ng pera. Naiinis lang ako kasi hnd man lang naisip ng asawa ko na meron dn kaming pangangailangan lalo hindi naman sapat yung sahod ko. At lalo pa akong naiinis kasi may trabaho naman byenan ko bakit kelangan pa nyang mangutang e yung sahod nila sakanilang mag asawa lang naman napupunta dahil wala naman silang pinag aaral at pinagkakagastusan pero kapag ibang tao nanghiram sakanila nakakapagprovide naman. Masama ba na pagsabihan kong magdamot naman minsan asawa ko sa pamilya nya? Kasi nakakasawa na inuuna pa nya pamilya nya kesa samen na pamilya nya. Palaging umaasa saken asawa ko sa gastusin, sa monthly check up, vitamins ako lahat gumagastos. Maski nga cravings at fruits na kinakain ko everyday ako na bumibili. Ni hindi ko sya inoobliga sa ganung bagay. Kaso pano kami makakaipon kung ganun ang ginagawa nya. Na kada nalalaman ng magulang nya na may pera sya hinihiraman sya tas hindi naman binabalik. Eh alam naman nilang walang trabaho anak nila. Tsaka kaya nga ako na gumawa ng paraan para may pagkakitaan sya para sana yung sinasahod ko ipon ko nalang sa panganganak at iba pang gastos paglabas ng baby kaso ganun naman nangyari. Anong gagawin ko? Naiiyak nalang ako kapag naiisip ko to.

44 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Wag mo pong ibigay sa asawa mo ang pera. Dyan lang sayo. Hirap ng ganyan eh.

Ako din minsan ramdam ko na mas pinapriority ng asawa ko yung pamilya niya

Thành viên VIP

Humiwalay na dapat mamsh Ng tirahan. Ndi Kasi tlga maganda nakikisama sa byenan.

5y trước

nakakahiya nmang ganyan kalalaking tao ikaw ang ngtatrabaho mas mabuti umuwi nlang sa pamilya ,kung ganyan rin nman aba eh daig mo pa single mom.

nag hanap ka sana ng lalakeng may trabaho.hirap ng buhay ngayon!haizzzz

Umuwi ka na sa pamilya mo. Saka ka bumalik kapag may trabaho na bf mo.

Isoli mo sa nanay nya. Aba pasarap pla gusto nyang buhay e.

Thành viên VIP

Momsh. Pag pera mo, pera mo... Para sa inyo yan ni Baby.

Thành viên VIP

Nako po ang hirap ng ganyan at nakaka stress yan 😣

🤦🤦🤦🤦🤦🤦 lalake ba siya, kakahiya!!!

Mahal ka ba talaga ng asawa mo?