BADTRIP !!
Maglalabas lang ng sama ng loob kasi walang mapagsabihan. Tipong araw araw nalang ako sinisisi ng papa ko dahil sa nagawa ko which is maagang nagbuntis.. Lahat sinisi na sakin pati ung asawa ko parang ayaw nya don dahil sa ugali nya na nakikita kahit magkakasama kami. Palibhasa hindi nya pa gaano kakilala kaya ganon manghusga. Tangina! Nakakainis sya Sarap nya layasan at hindi na ipakita sa kanya ung apo nya. Kahit anong gawin ko, ako parin kawawa kahit ayaw ko na syang pakinggan, naiiyak parin ako. Although, naiintindihan ko nararamdaman nya. Pero nakakainis na e, araw araw nalang. Wala akong magawa! Taeng yan. ??
If hindi nyo na po matiis ay bumukod na lang po kayo para wala kayong naririnig na masama sa papa nyo and kung naiinis po kayo. Wala naman na pong magagawa, hindi nyo naman po maalis sa parents nyo ang ma-disappoint sila dahil maaga po kayong nabuntis. Syempre yung future nyo lang po ang iniisip nila. Bumukod na lang po kayo para mabawasan yung sama ng loob nyo kesa yung araw araw na ganan po.
Đọc thêmAko kahit maldita ako.. Kahit napapalo at sobrang higpit sinisira pa gamit ko pang schoool sapatos na bago tapos ung pang CAT na fatigue wag na daw ako mag aral.. Oo susama.loob ko pero hanggang doon lang tas mawawala na rin pero hindi ko namura tatay ko hanggang sa namantay sya... Awang awa pa ko sa papa ko nun nagkasakit sya... Namiss ko tuloy si papa😩, love you papa😊
Đọc thêmkasalanan mo naman talaga..lunukin mo lahat ng sinasabi..di mo masisisi bakit ganun si father mo..tsaka bakit andyan pa kayo sis??di ba dapat once na magkapamilya na is bumukod na..tsaka wag kang magmalaki sis na ganyan na ayaw mong ipakita anak mo..kayo magreach out sa tatay mo pati bf mo..ipakita nyo na mabuti si bf
Đọc thêmSiguro para di mo na marinig yun mga sinasabi ng papa mo, mas maigi na bumukod na kayo at kayong dalawa na lang ng asawa mo magtaguyod sa pamilya nyo. Mahirap talaga pag nakikitira sa magulang lalo na at may sariling pamilya ka na. Mas lalo mahirap kung nakikitira kayo tapos sila pa nagpapakain sa inyo at gumagastos para sa inyo.
Đọc thêmTiisin mo lang na sermonan ka kahit araw araw pa yan oo nakakairita pag sabihan ehhh kasi naman nabigla sigro si daddy mo na nabuntis ka ng hindi pa niya expect kaya ganun siya. Sa katagalan lalo na pag nakita na niya apo niya mawawala din yan. Kaya verry wrong po na mura murahin mo si daddy mo dahil lang sa sinesermon ka.
Đọc thêmSame tayo sa una lang naman ganyan lahat ng masasakit na salita maririnig mo sa knila minsan panga pariringgan kpa nila kahit kamag anak mona pero di nawala sa pag motivate saken ung asawa ko na ganun tlga pero habang tumatagal mas lalo kanilang iingatan lalo nat pag nakita na ang apo nila nako pag agawan payan heheh
Đọc thêmNatural yon sa magulang ang magalit, paulit ulit. Syempre mahal ka ng tatay mo kaya ganon nalang sya maka react, nagkamali ka kase tanggapin mo nalang po lahat ng sasabihin nia. Wag kang magagalit sa tatay mo at hanggat maaari wag mo mumurahin sa isip. Magiging magulang ka na, balang araw maiintindihan mo din.
Đọc thêmIsa na naman itong example na anak na nagkamali pero ayaw mapapagalitan. Gusto magulang pa ang maninikluhod. Kung makapagmura parang hindi mo tatay yan ah. Ang kapal ng pagmumukha mo! Wala ka pa nga akala mo kung sino ka na. Sana hindi mamana ng anak mo yang pagiging sutil mo! Nakakainis ka!
Sis mahirap talaga pag nadisappoint ang magulang. Nagkamali ka. Give time para matanggap niya yun. Isa pa, sa kwento mo mukhang may pakelam sayo yung papa mo since kinukupkop ka pa din nila. May mga kakilala ako na nagalit tatay nila sa kanila dahil nabuntis kaya pinalayas. Bigyan mo lang ng time. :)
Đọc thêmNormal Lang Yan sis, kapag anak mo Rin maaga magbuntis syempre ano magiging reaction mo dun Di ba. Kahit ako SA anak ko, girl anak ko, pag nagbuntis Ng maaga malamang magagalit ako Ng sobra sobra pwera Lang pag nakapagtapos Ng pagaaral at may magandang work siya . Kaya intindihin mo na Lang sila.
Miracle & Meryl