NEW CONTEST: BiDa Woman
Magkaroon ng chance na manalo ng P500 worth na SM gift pass! Para sumali, sundin lamang ang mga steps na ito: Click “Participate” in the contest page. - Pumunta sa photobooth section at magupload ng picture ng iyong female inspiration (maaaring kamag anak, kaibigan, artista, karakter sa pelikula o teleserye) at ilagay sa caption kung bakit ka niya naiinspire. - Ang iyong uploaded photo ang magsisilbing entry sa contest na ito. - Likes and comments on the photos are not necessary, but are appreciated. Submission of photos ends on March 19, 2020. Basahin ang iba pang detalye dito: https://community.theasianparent.com/contest/bida-woman/409
Mybida Woman, my mother-in-law Simula ng namatay ang nanay ko ay ang aking byenan na ang naging inspirasyon ko. Dahil siya ang umaalalay sa akin upang maging mabuting ina sa mga anak ko at maging mabuting asawa. Naniniwala siya sa aking kakayahan kahit na sa tingin ko ay Wala akong kayang gawin. Hindi sya naging madamot, lalo na sa mga apo nya. Palagi syang andiyan upang gabayan kami at handa kaming itama sa maling nagawa namin at tanggapin muli. At higit sa lahat, ang aking byenan ay hindi napapagod na mahalin kami.
Đọc thêmAng Mama ko, ang tanging babae na naging inspiration ko at pundasyon ko, isa kang napakabuting tao. Lahat ginawa nya para sa amin ng ate ko. Salamat Ma, sa lahat. sa twing down ako, anian ka para maging okay ako. Pag may sakit ako, anjan ka para alagaan ako. Salamat din po sa suporta mo sa amin ng asawa ko. Sana ay maging katulad mo din ako pag naging isang ganap na din akong nanay.Malapit na ako manganak Ma, mamahalin ko po yung anak ko, katulad ng pagmamahal mo sa amin.. Mag ingat lang palagi. I love you Mama.
Đọc thêmAng female inspiration ko Yung Nanay ko .Sya Yung babaeng di napapagod gawa sya ng gawa sa bahay ,Yung kakainin nya na ibibigay pa saameng mga anak nya , sya Yung tipong matiisin para saamen,Ang hangad nya saamen ay kabutihan ,di sya mahigpit sa aming magkkapatid lagi syang nakasuporta saamen lalo na buntis ako kitang Kita Yung alaga nya .ngayung magiging nanay nadin ako gusto maging katulad Nia .npalaki nya ng maayos at may takot sa diyos Ang mga anak Nia Mama para sayo to.I LOVE YOU
Đọc thêmAng aking inspiration ay si karla Estrada kase sya ang simbolo ng isang ina na gagawin ang lahat para sa mga anak at kahit sya lang mag isa buhay dati lalo na nung si dj palang ang baby nya ginawa nya ang lahat para mabigyan ng magandang buhay si dj at di nya ito pinagkait sa tatay. Sya ay isang matapang na ina at hanggang ngayon kahit maganda na ang estado ng buhay nya hinahangaan ko pa din sya.
Đọc thêmPara sa akin siya ang aking #BiDa Woman. Kahit wala na siya, ipinaramdam niya sa aming magkakapati ung Unconditional Love ng isang Ina. Never siyang naging madamot, never niya kaming iniwan at lahat ginawa niya para sa amin. I Love You so much Mama. Miss na miss kana namin. Yung pagmamahal at pag-aaruga na ginagawa mo sa amin, ganun din yung gagawin ko sa Little One ko.
Đọc thêmAng inspiration ko ay ang aking ina Sya ang inspiration ko para ma buhay at mag angat sa buhay dahil sa knya nabuhay nya kaming apat na magkakapatid kahit na broken family kami, pinapatatag ko ang ang akog sarili para ako naman ang maka tulong sa kanya sa mga kabutihan at sakrepisyu nya sa amin at pag tulong sa akin at pag supporta kaya sya ang inspiration ko. 💕
Đọc thêmAng mga anak ko babae ang aking inspirasyon.sa kabila ng pagsubok na dumaan sa pamilya namin sa kanila ako kumukuha ng lakas,sila ang sandigan ko sa panahon ng kalungkutan.best ever gift ni LORD ang aking mga anak na babae.mahal na mahal ko sila.
My inspiration my mother and my lola, na kahit single parent at graduated na sila sa pagpapalaki sa kanilang mga anak,nandyan pa rin sila para gabayan at alagaan ang mga apo nila. I love you two♥️
Ang inspiration ko po ay ang aking pamilya dahil kahit anong mga problema binigay koo sa kanila hinding hindi nla akoo tinalikuran sa katunayan NASA kanila ang dalawa kong anak na babae..
Ang aking inspiration ay ang aking pinakamamahal na Ina, kahit mag isa lang cya pero nakaya nya kaming alagaan 7 na magkakapatid at ngayon sya ngalaga sa kanya g mga apo #iloveyou ma💗💗💗