OBGYNE
Magkano bayad nyo sa monthly prenatal check up ng OB nyo?
Praise God, kase ung check up ko sagot ng health card ko sa office. Minsan every week ako nagpapacheck up kase kailangan maselan kase pagbubuntis ko. Ang laking tulong kapag may health card. Wala akong ginagastos kapag may check up.
Wala po. Kase sa public hospital po ako nagpapacheck up at kahot libre, ang ababit ng mga OB. Super accomodating sila kahit public lng po. Dito po sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center BATAC CITY. ILOCOS NORTE
libre sa healthcard😊 kaso di kasama mga lab like ultra sound pero luckily, yung ob ko naguultrasound nadin. dun nalang ako magadditional payment if kuha ako ng picturea na printed ng u.s ko hehe
Nung sa lying in ako 350, dipa kasama mga vitsmins bali 1600+ nagagastos ko, pero lumipat ako sa fabella wala pako binayaran 😊 Except sa mga laboratory at ultrasound awa ng diyos di naabot ng 1k
free n poh skn sa private ob koh....pero nung mga first 3 visit k sknya ngbbyad ako every month kasi ultrasound nya ko....pero ngaun hnd nya nko sinisingil...monday ulit blik ako sknya
400 po monthly .. may sarili na pong ultrasound OB ko kaya monthly ko po namomonitor posisyon ni baby.. pag magpaprint lang ng ultrasound report tsaka may additional na bayad ..
Almost 3k monthly. Monthly ultrasound around 800? 350 sa consultation and the rest is vitamins heheh. Ngayong month, napabuga kami ng 8k+ dahil sa mga pampakapit
Sa old OB ko na private. Exactly 523. 300 for consultation, 232 for ultrasound with printed copy. Nung lumipat na ako sa Public OB ko, 300 lang with free vitamins pa.
Free unli check up po sa HMO pero its 600 ata si OB, additional 200 if bibigyan ka ng med cert. Not included ung labs and ultrasounds. Ung Tdap ko is 400.
Free consultation po sa'kin kasi may healthcard ako di ko sure kung magkano sa iba. May bayad lang sa ibang fees pag kailangan like ultrasound worth 1k.
Got a bun in the oven