Pneumonia vaccine?
Magkano ang pneumonia vaccine? Aside from the basic vaccines sa health center, ano pa po ang need ni baby? 3yrs old. #pleasehelp #advicepls #vaccines
PCV and PPV vaccines po, mamsh. First baby ko fully vaccinated na s'ya. Prone kasi s'ya to pneumonia since 2 months old, hanggang nag 3 years old s'ya. Now hindi na s'ya nagka pneumonia pa ulit. Plus flu vaccine po yearly, free po sa health center.
2 pa lang po si baby ko pero ang list ng needed vaccines ay nasa baby book na nya and schedule (age ni baby when he has to have the vaccine). forgot how much exactly si pneumonia, I think parang mga nasa 2500 or 3k po sya sa slmc qc.
Kung may baby book po kayo andun po lahat ng list. You can also check it here po. https://www.google.com/amp/s/ph.theasianparent.com/alamin-bakuna-sa-unang-taon-ni-baby/amp Join Team BakuNanay in Facebook ma.
Đọc thêmpag sa pedia ka po mag pa vaccine ng pnuemonia is 5k 3 session na yan ...pero kami lying in ako nanganak since may bayad sa kanila anq vaccine nq anti pnuemonia sa center nalanq daw kami kasi free don...
Hi mommy, kami naman po sa mga kids namin, we always save for our annual flu vacc po esp nung nag start na sila schooling for more extra protection po esp na pabago bago ang weather.
nung matapos kami mag avail ng Free vaccine frim Brgy. Health center sa pedia ko na pinaturukan anak ko. More or less 40k nagastos namin. Yang specific vaccine is 4500 samin.
Nasa 4k-4,500 po yung pneumoccocal vaccine mii.. important rin mii ung chickenpox vaccine lalo na harmful un sa mga baby natin
Nasa 3k po ata momsh. Check nyo po baby book nya and consult pedia din po anu-ano yung vaccines or boosters na need po nya.
Pneumonia vaccine po is nasa around 3,500 to 4k sa pedia. Pero you can get that for free po sa mga health centers.
Depende po sa pedia but you can ask po sa nearest center ng barangay nyo po for free vaccine :)
iMOM Adora | Registered Nurse | Hands-on-Nanay