ISANG TABONG TUBIG

#MagandangGabi Share ko lang experience ko sa loob ng CR habang umiihi ako kasama kaklase ko. College ako non, tandang tanda ko pa may hands on exam kami, tapos sa gitna ng exam ay bigla kaming naiihi ng kaklase ko kaya sabay kaming nag CR. Walang ibang tao non sa loob ng CR at tahimik sa labas lahat ng estudyante ay nasa loob ng classroom. Nong nasa loob ng CR na kami binuksan ko muna yung gripo, nong pagbukas ko walang tubig. At that time nainis ako kasi ihing ihi na ako at iniisip ko kelangan kung bilisan para makabalik agad sa klase at matapos agad yung exam. Subrang iniisip ko ang husstle sa pagkuha pa ng tubig sa labas para pambuhos. Kaya grabeng ingay ko non nagrereklamo ako habang nasa CR. Tandang tanda ko pa mga sinabi ko non bago pumasok sa loob ng kubeta sabi ko " bakit wala na namang tubig dito! Naputulan na naman ba ang school? dapat aksiyonan nila agad to kasi nagbabayad naman tayong mga estudyante ng miscellaneous fee" sambit ko na talagang boses nagrereklamo at nag eecho pa dahil walang ibang tao sa loob ng CR kundi kami lang ng kaklase ko. Sagot naman ng kaklase ko sakin, " wala na tayong magagawa nyan, masanay na tayo na lagi tayong sumasalok ng isang tabong tubig sa labas pambuhos. Bilisan mo na kumuha nalang tayo ng tubig para makabalik tayo kaagad sa klase." sambit nya. Sabi ko naman, ihing ihi na talaga ako kaya ikaw nalang muna kumuha ng tubig. Papasok na ako sa loob ng kubeta. Nauna akong pumasok sa loob non at kumuha muna ng tubig yung kaklase ko pero naabutan nya pa din ako na nasa loob ng kubeta. Nakabalik na siya may dalang tubig at pumasok na din sa kubeta. Habang nasa magkabilang kubeta, nag-uusap kami non. Sabi nya, di ka pa tapos? Sagot ko naman, hindi pa naparami ata ipon ng ihi ko kaya ang dami kung naihi ngayon haha 😅 Nong natapos na ako, may nag abot sa akin ng isang tabong tubig. Sabi ko, salamat classmate sa tubig. Sabi nya ha! Saang tubig? Sagot ko naman, etong isang tabo na pambuhos ko. Sabi nya nasa loob pa ako ng kubeta at isang tabo lang nandito dala ko. 😱 After ko nagbuhos ng tubig paglabas ko, nakita ko nga nasa loob pa ng isang kubeta yung kaklase ko.😱 Tiningnan ko sa labas chineck ko baka may dumaan pang estudyante nag abot ng tubig sakin. Pero wala akong nakita tahimik sa labas ng CR at wala din talagang ibang tao sa loob ng CR kundi kami lang ng kaklase ko.😱 Sa part na yan subrang lumakas na kabog ng dibdib ko at nagtaasan na balahibo ko. Pati kaklase ko nagtaka na kung sinong nag abot non. Nong una ayaw nya pang maniwala. Pero nong pinakita ko yung tabo sa kanya. Sabi ko eto yung tabong inabot sakin. Sagot naman nya, saan galing yan iisang tabo lang ang nakita ko don sa kuhanan ng tubig. Nagkatinginan nalang kami bigla at sabay kaming tumakbo papalayo ng CR grabe yung kaba at takot namin non.😱😱 Naisip ko habang nag eexam kami na baka dahil subra kung ingay sa loob ng CR at nagrereklamo na walang tubig kaya binigyan nalang ako. Grabe halos di ako makapag concentrate sa exam non sa subrang takot.😨 Ang ginagawa ko yumuko ako, pumikit at nagdasal sa panginoon. Nanghihingi din ako ng tawad sa lahat ng reklamo ko nong time na yon. Alam kung nabanggit ko lang yon dahil sa pagmamadali. 🙏🙏🙏 Pero until now di ko talaga makalimutan pangyayaring yon at palaisipan sakin kung sino yung misteryosong nag abot sakin ng isang tabong tubig. Salamat sa kanya dahil don di na ako kumuha pa ng tubig sa labas pero tinakot nya ako kung sino man siya. Hays! Di ko talaga makakalimutan yon at ngayon tumataas na naman balahibo ko habang iniisip yon. 😨 May same case din po ba dito na ganyan sa naexperience ko sa loob ng CR? Kwento naman po kayo. Sa tingin nyo tao din kaya nag abot ng isang tabong tubig sakin o yung mga tao sa CR o sa school na hindi nakikita. #MagandangGabi #IsangTabongTubig

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

😱🎃