is this a sign of early pregnancy??

Magandang araw po sa lahat! Share ko lang, nitong April 3, dinugo ako pero light flow lang na hindi napuno ang pad ko buong araw with 2 clots na maliit ang lumabas. Pero sobrang sakit nang balakang at puson ko buong araw din.. April 4(2nd day) morning biglang may lumabas na dark brown(or parang maroon color) na blood, masakit na sa may pwetan ko na di ko ma explain pero pumasok parin ako sa work kasi sa isip ko baka mens lang talaga..but even before hindi ko naranasan and dysmenhoria at ganun kulay nang blood.. napansin ko during afternoon natigil na ang flow nang blood kasi di na talaga napuno pad ko ulit kaya tinanggal ko nalang.. bale one day and half lang period ko.. sa April 4-5 is spotting nalang na brown. April 6 light brown na, pero diko mawari kasi hindi ako komportable kapag nakatagilid nang higa para matulog..parang may something sa tummy ko..then April 7 today biglang white bloods na ang lumabas..naglaba pa ako kunti, after ko naglaba sakit na naman balakang ko banda at nangangalay buo kung katawan pati sa mga binti ko.. ngayon nga nilagyan ko nang unan ang pwetan ko banda while nakahiga tapos nakapatong mga binti ko kasi mas komportable ako nito.. ano po kaya sa tingin nyo ang symptoms na ito?? Mag visit siguro ako sa OB by next week medyo kapos pa kasi ngayon.. kung may ideya lng po sana kayo sana ma share nyo..salamat

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Try nio po mag PT muna. If ever man na positive at meron bleeding na ganyan. Hinde po un normal. Hinde cia normal sign ng early pregnancy. Possible miscarriage pa nga po.