Katuwaan lang ule mga moms and dads. Naranasan nyo na bang mapalo noong araw? Ano yung pinaka masakit na naihataw sa inyo? Sa akin ay gitara! P.S. I know naman na we'll not do this with our kids.
Walis tambo ang napalo sa akin noon kasi yun ang madalas makita na panghataw sa puwetan o binti.
Hindi namalo ang parents ko samin. 😊 Ayaw ng daddy ko na pinapalo kami. Pero bunganga pa lang ng Mommy ko takot na kami e hahahahahaha
Never po 😊. Military discipline kami sa bahay pero hindi nagbubuhat ng kamay magulang ko. 😇😇😇😇
Yung pinakamasakit na pamalo sa akin before ay sinturon. Though nasampal na din ako before ng mom ko.
Branch ng madre cacao na parang tungkod ang official pamalo ng tatay ko. Ang sakit!
Buong pagkabata hindi kami pinalo or what ng mga magulang namin, yung lola at lolo lang..😊 kurot lang,pero ang sakit ah..😊
c mama ko hindi namamalo..c daddy ko isang beses napalo nya ako ng sinturon kc naiwala ko ung susi ng bahay nmin sa kakalaro..
Stick na kawayan, walis tingting, tsinelas sa sobrang galit nya pati kaldero namin pnagpapalo nya🤦🏻♀️😂
napalo ni papa ng belt once. .ni mama din once ng sanga pero mahina kasi hindi talaga namamalo at mejo matatawa pa.
ung nanay ko tanapunan ako ng aklat kasi ang bobo ko daw, hnd raw ako kagaya ng cousins ko na matalino. 🙄