ASWANG

Kaninang madaling araw, nakarinig dad ko ng sobrang malalakas na lakad na padabog sa bubong namin at huni ng malaking ibon. Si dad yung tipo ng tao na hindi naniniwala sa mga aswang aswang at pamahiin, pero nung narinig niya kaninang madaling araw yong kalabog, natakot talaga siya ng sobra. 10 weeks preggy here. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako or hindi. Kayo mga mamsh, may ganitong experience ba kayo? Ano ang ginawa niyo para mataboy sila?

32 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dati di ako naniniwala diyan sis pero nung pinagbubuntis ko 1st child ko, sa province kami nakatira nun kay dun din yung work ko. Yung tito ko nakapansin sa bintana namen na may kamay kaya dali-dali niya akong ginising nun. Tapos naririnig nalang namen yung "wak-wak". After nun di na ako nakatulog ulit. Mga 3am yun nangyari. Kaya simula nun, lagi na akong naka black tshirt or dress tapos sa labas ng bahay before mag 6pm nagsisiga na kami.

Đọc thêm

Jusko danas na danas ko yan naaalala ko umiwi ako sa farm ng lolo ko dun ako natulog walang ilaw kwarto namin di na kase naaasikaso ng lolo ko kase wala naman kame dun at minsan lang kame dumalaw nagising ako ng alas tres at may pusa sa dibdib ko thankyou talaga kay lord at ginising nya ko yung nagising ako na diko alam dahilan kung bakit ayun pala yun, yung pusa bigla nawala ng parang bula di pa sya ordinaryong pusa kase nahawakan ko sya at malaki sya

Đọc thêm
5y trước

Hala nakakatakot naman mamsh! Nakapasok na pala sa loob ng bahay niyo.😨

Sis wala naman masamang maniwala. Totoo man o hindi wala naman mawawala kung maniwala ka, mas may mawawala pa nga pag di ka maniwala baka mapano pa kayo ni baby. Ganyan din ako napapraning kase kung ano ano naririnig ko sa tapat ng bintana ko at sa bubong kaya ginagawa ko di ako nagpapatay ng ilaw Magsabi ka nalang ng rosary at bawang(yung bawang na maliit na buo, bawang tagalog ata tawag nila sa ganun) wala namn masama if maniwala ka or hindi.

Đọc thêm
5y trước

Totoo sis. Ito at nagpabili na kami ng mga asin at bawang. Nilabas ko na rin mga itim kong mga tshirt. Wala lang kaming rosaryo kasi hindi kami Catholic. Kinilabutan ako nong may nagsabi sa amin na ga-sinulid daw ang dila ng mga tiktik.

Nilagyan ko ng asin at bawang yun bintana namin tapos ng saboy din ako ng asin sa terrace at sa bubong. Tapos lagi kasing may pusang itim dito samin pag nakikita ko sya tinataboy ko talaga tapos sinasabuyan ko din ng asin. Hindi ako nag papakita na natatakot ako, (pero deep inside nakakatakot talaga once maencounter mo) kaso need maging matapang lalo nat madalas yun panganay ko lang kasama ko sa house 😔

Đọc thêm
5y trước

Ako Nmn Combination Ng Black And Grey Nmn Na Color Ung Nkikita Ko...

Yes momsh naniniwala ako, pero nung preggy ako wala naman ako naririnig pero yung kapit bahay namin lagi sila ang nakakarinig banda sa bubong namin. Pero ako wala. Kasi may kwintas ako pangtaboy sa kanila kaya di siguro sila makalapit momsh. Di naman masama sumunod sa mga matatanda. Hehe

Bumili ka ng dayap kung alm mo iyon. Itabi mo sa pgtulog mo. Irub mo bago ka mtulog at kpg naalimpungatan ka. Maamoy nila yan at mabaho sa pangamoy nila yan. Then lagyn mo bintana nyo ng bawang , black na tela pra takpan ang tiyan bago mtulog upang di nila mkita at maamoy.

Grabe mga experience niyo mamsh. Nakakakilabot talaga. Magsusuot talaga ako ng itim na damit mamaya pagtulog. Salamat sa pagshare niyo mga mamsh. Wala na akong pagaalangan na sumunod maski totoo man o hindi. Basta safe kami ni baby. ♥️♥️♥️♥️

Sabi nila, maglagay ka raw ng pulang tela sa ibabaw ng tiyan mo. At bawang sa mga paligid ng bahay. Sis, sabi nila mas active daw yan kapag malapit na kabuwanan mo. Ps. Hindi kita tinatakot sis sinunod ko lang lahat yan, ayun lumabas naman si baby ng ligtas.

5y trước

Thank you po sis. Kahit medyo nagdududa kami e ito nagpabili na kami ng maraming bawang at asin para makasigurado lang na safe kami ni baby. Sobrang aga pa nga e. Sabi sa mga kwento, kapag malaki laki na ang baby sa tiyan saka sila magpaparamdam. 10 weeks and 5 days pa lang ako now.

Takpan mo nlng ng black na damit o tela ang tyan mo bago ka mtulog. In order na d nila mkita or maamoy. True yan. Ang sounds nyn wak wak wak. Meron dito sa amin. Pero s nmn ako nagagambala. Tinatakpan lng ng black n tela bago matulog.

Thành viên VIP

Dito sa amin parating may ganyan mamsh. 😅 probinsya kasi to sa amin .. Since nagbuntis nitong panganay ko hanggang lumipat ako sa bahay ng partner ko .. Meron talaga. Di yan nawawala. Ginagawa ko, magdikdik ng bawang tapos lagay ko sa bintana.

5y trước

Super thank you mamsh! Ito nagpabili na kami ng maraming bawang at asin. At hinanda ko na mga tshirt kong itim. Need daw protektahan ang pusod.