Palabas lang ng sama ng loob mga mi. 😞

Kanina first time kong na I.E sa public hospital, since first time mom din ako sobra talaga ako nasakitan sa pag I.E lagi ako pinapagalitan sobrang sungit nung nag I.E sakin knina nagsosorry naman ako kung may mali ako nggawa like natataas ko pwet ko which is bawal pala. 🥲halos murahin nako sa galit nung nag A I.E sakin ang ending sabe nia wala daw siang makapa tapos result knina close cervix pa. 36weeks and 5 days nako sumasakit ang puson ko kaya ako nagpacheck up knina kc don ako manganganak, pero sa health center namin ako dati nagpapa prenatal. ung akin lang naman sana naging gentle kahit papano kasi ang sakit talaga at medyo kabado. Kinuhaan nadin ako ng ihi at dugo kanina, halos every 3 hrs ung follow up namin kasi nga sa sobrang dami ng pasyente baka d na napapansin ung mga record ko at yun nga mga around 5pm last naming follow up nakita ung result ko sa ilalim ng desk nila eh. 9am kami pumunta nakauwi ng 7pm. 😞

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời