Delivery sign

Hello kamomshie's ask lang po ako ulit April 07 po EDD ko based sa ultrasound kung bibilangin 37 and 4 days na po ako ngayon pero bilang saken ng doctor ko 39 weeks na daw ako dapat next week manganak na daw ako😅 puro ultrasound na ako litong lito pa din sila sa gestational age ng baby ko. Pakiramdam ko pa lang is masakit yung buto ko sa part ng singit, hirap bumangon at lalo na matulog sa gabi, pag maglalakad parang gusto na nyang lumabas yung feeling po na may naka harang na sa pwerta ko, mayat maya tigas ng tiyan may unting pag sakit na din po ng puson at kagabe nilabasan din po ako ng white blood medyo madami. Kinakabahan po ako dahil sa hindi nila maintindihan ano ba talagang weeks ko na baka overdue na ako. Gusto ko na manganak para makaraos na 😂🥺

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Halos same tayo ng experience mi. Sa first ultrasound ko, April 4 ang EDD ko tapos yung last ultrasound ko is April 10 na daw EDD. Finollow namin yung EDD ng 1st ultrasound. Sa pakiramdam, ganyan din ako nun. Halos ayoko na nga bumangon kasi masakit singit, likod. Lalo na pag uupo o tatayo. Ang daming masakit. Pero sign yan na bumubuka cervix lalo na pag naglalabas ka na ng mucus plug. Ang nangyari sakin is 2 weeks akong na stuck sa 3cm tapos pag check up ko, 6cm na. Same day nanganak din. April 4 EDD then March 19 nanganak.

Đọc thêm