Depende daw sa ob ang pag cs
Kakapa check up ko lang sa lying inn. I'm 35 weeks na and desidido tlaga kme ng husband ko na mag pa cs ako kesa normal birth para mas cgurado kme kasi first baby ko yo then 31 na ko. Pero nung sinabi ko sa midwife ang sabi nya depende daw sa ob yung pag ccs. Mag lalabor pa daw dapat ako tapos pag nakita ni ob na hirap ako manganak tapos matagal mag labor, hirap si baby saka daw tatawag si ob sa hospital para maipa cs ako. Bakit ganon? Hindi ba pwede masunod desisyon ng buntis?. Na stress tuloy ako 😭 pa advice naman po ako
yes po.. usually kasi now ginagawa lng ang cs kapag need na tlaga at may risk ka.. or during labor eh nahirapan na ilabas si baby.. 31 na din ako nung nanganak kay first baby ko naka 2 cord coil pa siya pero nainormal ko.. tiwala ka sa sarili mo momsh kaya mo yan..
kaya mo yan sis mas ok pa din ang normal delivery...major operation ang cs matagal ang recovery..at tama ang midwife sis sa sinabi nya hindi talaga basta basta nag ccs ang mga ob unless kailangan ng pasyente talaga. goodluck sis pray ka lang na ok kayo ni baby.
mamsh kung gusto tlga mg pa CS s private hospital ka mg pa check up. hndi sa Lying inn. Lying inn wla po nag ccs jan puro normal delivery cla. kung my pera knman 100K pambayad sa CS s private hospital ka mgpa check up at manganak pra di k ma stress
mas maganda parin po mag normal delivery bukod sa tipid ka mabilis ka makaka recover. less worry ka na baka bumuka ang tahi mo after manganak 31 yrs old ka palang naman po yung iba nga 33 yrs old pero kaya naman basta healthy at si baby di talaga papayag.
Parang depende pa rin po? kasi yung pinsan ko ayaw nya magnormal. Kaya 1month before siya manganak nagsabi sya sa ob nya na magpapacs sya kaya inisched po agad yung panganganak niya. Ewan lang po. depende parin po talaga sa ob yan sis.
hanggat kaya po kasing inormal inonormal nila. hindi ganun kadaling ma cs sis. pag nainormal mo ang baby mo magpasalamat ka dhil di ka na cs mahirap ang cs sis wag ka magpadala sa tkot mo lakasan mo loob mo ara kay baby mo.
Mas madami pa rin pros pag normal delivery. Hindi talaga sila magccs ng walang dahilan or gusto lang ng patient dahil nga risky ang cs since major operation to. Lahat ng first pregnancy po ay trial labor tlga unless breech
Meron OB na papayagan ka i CS kahit na walang complication like me. And kung saan ka panatag, hayaan m sinasbi nila na kesho mas mgnda normal . For as long na safe si baby and saan ka masaya mommy dun ka.
True mamsh! Pray lang lagi. ☺️
depende po talaga sa ob momsh . except lang siguro kung may history kana ng cs at komplikado ka magbuntis . yan cguro papayagan ka ng ob na cs . pero lahat po cguro ng nag ccs , nakaranas muna ng normal na pag ire .
Hi momsh, overdue na ko dati kaya gusto ko na magpa CS pero hindi pumayag OB ko. bawal daw kasi yun may hinihingi kasing report sa knila. ang ginawa nya is ininduce labor nya ko, hindi nag progress kaya ang ending ECS.
mother of a healthy baby jairuz