KAILAN NGA BA PWEDENG GUMAMIT NG CONTRACEPTIVES? DAPAT NGA BANG MAGHINTAY NG REGLA BAGO GUMAMIT NG C
▶️KAILAN NGA BA PWEDENG GUMAMIT NG CONTRACEPTIVES? DAPAT NGA BANG MAGHINTAY NG REGLA BAGO GUMAMIT NG CONTRACEPTIVE? 📝SAGOT: 📌Mas rekomendado na mag-umpisang gumamit ng contraceptive sa unang araw ng patak ng regla. 📌Maari rin namang gumamit ng contraceptive anumang araw basta siguradong hindi buntis. 📌Kung kapapanganak pa lamang, exclusive breastfeeding, at wala pang pagtatalik, maaari ng gumamit ng contraceptives anim na linggo (6 weeks) simula pagkapanganak kahit wala pang regla. 📌 Kung kapapanganak pa lamang, hindi exclusive breastfeeding, at wala pang pagtatalik, maaari ng gumamit ng contraceptives tatlong linggo (3 weeks) simula pagkapanganak kahit wala pang regla. 📌📌Kung kapapanganak pa lamang, siguraduhing may ginagamit ng contraceptive bago pagbigyan si mister! Mas maigi ng sigurado kaysa mag-alala ng husto! ⚠️TANDAAN: 🖌MAINAM NA MAGPAKONSULTA MUNA SA DOCTOR O HEALTHCARE PROVIDER BAGO GUMAMIT NG KAHIT ANONG CONTRACEPTIVES. 🖌HINDI KAILANGANG MAGHINTAY NG REGLA BAGO GUMAMIT NG CONTRACEPTIVES. 🖌KUNG AYAW PANG MABUNTIS, GUMAMIT NG CONTRACEPTIVE!!