family time
kagabi feeling ko ang malas malas ko. ngayon feeling ko swerte ko na rin dahil ganto si hubby. lahat ng bagay nadadaan naman sa usapan. Oo bata pa kami pareho, both 22 yrs old, mas may pagkaimmature sya sakn kaya tinatry ko yung best ko na tulungan sya na iprioritize ang family namin. Nawawalan na kasi sya ng time sa babies namin, papasok ng maaga, kakagising lng ng kambal, uuwi late na, tulog na yung dalawa. Maaga naman sya nag oout sa work pero nagpapalate lang sya ng uwi. Kahit ako nawawalan ng gana minsan dahil feeling ko hindi ko sya makatuwang sa pagpapalaki ng mga anak namin. hindi porket sya nagwowork, hanggang dun na lang. dapat nagiging hands on din sya sa mga anak namin. Nag away saglit kagabi, nagpromise uuwi ng maaga. Umuwi naman ng maaga. laking tuwa nya dahil pag uwi nya tuwang tuwa ang kambal. Si baby girl ngayon lang nakasama daddy nya, tuwang tuwa pagkakita sa kanya tapos kiss ng kiss. miss na miss sya kasi madalas sila mommy nag aalaga sa kanya at sila nagtatabi sa kanya matulog, samantalang si baby boy, sa amn naman. (dito kami nakatira ngayon sa parents ko). hoping na consistent ang pag uwi ng maaga ni hubby dahil ayoko rin naman mamiss nya yung mga panahong gantong age pa lang yung dalawa. Mabilis lumaki ang bata. Mabilis ang panahon. Dahil ngayon lang baby ang mga yan. You have to savor every moment, every milestone as much as you can.