ansakit magdede ni baby almost 1 month na 😭
kada latch nya masakit talaga, sinunod ko na lahat ng tips bakit kaya ganun nakakaiyak kase gusto ko syang ma ebf pero sobra sobrang sakit, matagal sya magdede kala ko busog na after 1 hour naghahanap padin , tapos kapag binigyan namin ng 60 ml ubos nya 😭 .. hirap din akong pabigatin sya 2.2 nung nilabas ko sya. nung last check up namin . 2.4 lang after 2 weeks binigat nya huhuhuu😭😭 g6pd pa sya kaya hindi basta bastang formula ang pwede sakanya 💔

Ganyan din sakin non mi. Sa 1week palang ni baby nagsugat nipple ko. Bumili ako nung buds and bloom Nipple Cream tapos nagpump muna ako para mapahinga. Nagsearch din ako tamang pagpapa latch. Sa ngayon, okay na. Tolerable na yung pain dahil nalang sa previous na sugat.
bka may lip, cheek or tongue tie yn kyng ginawa mo na yung tamang latching at masakit pa rin. sakin kasi almost tdays lang masakit nung nasanay na sa tamang latch ok na bfeeding nmin ni baby di na masakit. 1month na baby ko
yung nipples lang din po nakukuha ni baby sakin mi kaya po yata masakit? sainyo po ba my areola na nakukuha si baby niyo po?
baka Po Kulang kapo sa Gatas .. Bili kapo sa Pharmacy husband mo Ng Mamalac Inumin mo After Kumain Once a day lang Po tapos Po 2-3Hrs Mararamdaman mo tumitigas na Dede mo means dumadami Ng Gatas mo Yan din Ginawa ko
noted po ito mi .. thanks po
try to consult lactation specialist po, follow mo po si dr. ticman mapua and sali ka breastfeedi g pinay, mdami ka matututunan, bka nga po may tongue or lip tie si LO mo,
tongue tie po sya pero na release na po. thanks mi sa advice
Tiis lang Mii pag tumagal pa po mawawala din Yan .. at maganda po talaga Ang bf Kasi Hindi Sila magiging sakitin at malakas Ang katawan nila
opo. dapat sakop po ung areola pag dumedede si baby
Try nyo mag mix feed or mag exclusively pumping nalang.. Nagpump ako since day 5 ni LO. Never naman ako nag oversupply and clogged ducts.
anong pong pump niyo mi? hindi po ba masakit sa nipples po kapag nagpupump kayo. sakin po kase masakit din po .. my manual at electric po ako both masakit. normal lang po ba yun?
ako din mie huhuhu mag 1 month na si baby pero ang sakit pag pinapadede ko sa kanya kaya no choice mixed feeding ako and nagpapump den.
kakaiyak na po mi eh. tapos si LO po parang hindi nabubusog kahit 1-2 hours na po syang nagdedede sakin .. ang payat payat nya padin .. huhu
mag pump nalang kayu mi i power pump mo para sa bottle nalang sya
masakit po ipump, posible na di nagstimulate mga butas ng nipples mo. if matigas yung breast mo ibig sabihin may gatas yun pero di nakakalabas. ang ginawa ko po walang nalabas sakin 1 week nung nilabas ko si baby nanghihingi pa kami ng breastmilk sa iba pero habang sa iba sya nakuha ng breastmilk pinapump ko yung dede ko kahit walng lumalabas. tinitiis ko kasi masakit talaga, binabasa ko yung nipples ko sa gatas mismo mayat maya para lumambot sya yun ang advice ng mga nurses sakin. week after kusa nalang tumutulo yung gatas ko increase di ako ng liquid intakes. sabaw, gatas, milo, water. para mas madali lumabas sa dede.
Bka po mali ang pgkakalatch nia mi kc dpt hnde mskit kpg dedede sila
check nyo po if tama ang latch ni baby. check din if may tongue tie.
opo tongue tie, narelease na po nung march 21 pa po. pero masakit padin po talaga..


