3yo Incoming Nursery, Y/N?
I've been meaning to send my little three-year-old baby girl to a private pre-school as incoming Nursery because I personally think that she's ready for it. I also want her to develop social skills kasi wala siyang kalaro dito sa bahay or even sa neighborhood namin. Madalas naiinis na siyang nakikita akong nagwwork instead of playing with her but sadly, I have deadlines to catch up. My husband, and my in-laws think na baka daw mapagod or magsawa agad sa school if magsstart siya agad. But hindi ko rin kasi ganun matutukan yung learning niya dito sa bahay. We play sometimes, pero yung learning and yung social skills hindi talaga masyado kasi wala namang ibang bata dito. So madalas maglalaro siya mag-isa, or screentime. Also, nagresearch din ako about sa curriculum ng ECCD council here sa PH, pero I really think iba pa rin yung nasa school siya at may nakakasalmuhang other kids? Ang point kasi ni husband, prefer niyang two school years lang siyang mag-preschool then 1st grade na—ayaw niyang dumaan pa ng nursery. But ang point ko kasi, at least if mag-nursery si baby now, mas maaga kami makakabuild ng routine and good study habits. And mahohone yung social skills kasi may other kids sa school. Thoughts?